10/06/2026
🎓✨ Potter's Ministry Graduation 2026 ✨🎓
We celebrate the achievements of our learners from:
📚 Pagbasa at Pagsulat Program
🌟 Daily Vacation Bible School (DVBS)
🎨 Potter's Class
We are grateful to have successfully distributed school supplies to our graduates as they continue their learning journey.
"God's Vision will have God's Provision."
What started as a vision became a testimony of God's faithfulness through the support, prayers, and dedication of everyone involved.
To all our learners, parents, volunteers, and Pastors—thank you for being part of this wonderful journey.
🙌 Praise God! It's a wrap! 🙌
09/06/2026
✨ PAGOD KA NA BA? ✨
May mga pagkakataon na tila mabigat na ang lahat—mga problema, alalahanin, at pagsubok sa buhay. Ngunit may paanyaya si Jesus para sa iyo:
"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagod at may mabibigat na pasanin, at bibigyan ko kayo ng pahinga." — Mateo 11:28
Hindi mo kailangang harapin ang lahat nang mag-isa. Alam ni Jesus ang iyong pinagdaraanan, tutulungan ka Niya, at bibigyan ka ng kapayapaan sa gitna ng anumang pagsubok.
🙏 Ipagkatiwala mo sa Kanya ang iyong mga pasanin ngayon.
Special Thanks to our...
Guest speaker: Angelito Caminong 🤍
Sermon notes edited by: Creatives Team
04/06/2026
To All Parents and Guardians of the Children Included in the Graduating List 💖
We warmly invite you to come and join us for the *Potter's Ministry Graduation 2026*! 🎓✨
📍 Praise Christian Fellowship Novaliches
🗓 June 6, 2026
⏰ 10:00 AM – 12:00 NN
🎓 Potter's Class
📚 Pagbasa at Pagsulat Program
⚓ Daily Vacation Bible School (DVBS)
This special occasion is dedicated to celebrating the hard work, growth, and achievements of our children throughout the program. We encourage all parents and guardians to attend and witness this memorable milestone in their child's journey. 💕
Your presence will mean so much to them as they receive recognition for their dedication, participation, and learning. Together, let us celebrate their accomplishments and continue to support them as they grow in knowledge, character, and faith. 🌟
We look forward to celebrating with you and your family.
See you on Graduation Day! God bless everyone. 🙏✨
29/05/2026
📚 Good day to all Parents! 💖
Last session na po bukas ng ating PAGBASA at PAGSULAT Program sa Praise Christian Fellowship Novaliches. ✨
🗓 Tomorrow
⏰ 9:00 AM – 11:00 AM
Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang na hikayatin at samahan ang inyong mga anak na dumalo sa ating final session. Ito po ay magiging espesyal na araw upang makita ang kanilang natutunan, pag-unlad, at bunga ng kanilang pagsisikap sa pagbabasa at pagsusulat. ✏️📖
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, cooperation, at pagtitiwala sa ating programa. Tunay pong malaking tulong ang inyong encouragement sa paghubog ng kaalaman at confidence ng ating mga bata. 💕
See you tomorrow everyone! God bless po. 🙏
24/05/2026
✨ Daily Vacation Bible School – Last Day ✨
Puno ng kasiyahan, tawanan, at pagpapala ang ating huling araw ng DVBS sa larong “Patawanin Mo Ako.” 😂💖
Marami ring natutunan ang mga bata mula sa kwento ni Zaqueo — isang maniningil ng buwis na nagkaroon ng pagkakataong makatagpo si Jesus. 🌳✨
At hindi lamang si Zaqueo ang nakatagpo kay Jesus… pati rin ang mga batang dumalo, nakinig, at tumanggap ng Salita ng Diyos. 🙏💕
Sa araw na ito, maraming bata ang tumanggap kay Jesus bilang kanilang Hari at Tagapagligtas. 👑❤️
At sa HULI… natagpuan ang pinaka natatagong Yaman — walang iba kundi si Jesus, ang ating Tagapagligtas. ✨
To God be all the glory! 🙌
22/05/2026
✨ Behind These Pictures ✨
One of the highlights of our DVBS was the game “Halo-Halong Sapatos.” 👟💖
📌 Mechanics:
Dalawang grupo ang mag-uunahan sa pagsusuot ng sandals at sapatos habang nagtutulungan upang matapos ang challenge. 🏃♂️🏃♀️
Pero higit pa sa laro, mas nakita namin ang tunay na halaga ng pagkakaisa, malasakit, at kabutihan ng bawat bata. 💕
Without even telling them what to do, they helped and cared for each other naturally. May kusa, may concern, at may pagmamahal sa kapwa. 🥺✨
The world truly needs kindness like what these kids showed today. 🌎💖
To God be the glory! ✨
22/05/2026
📚 Praise Christian Fellowship Novaliches 📚
✨ PAGBASA AT PAGSULAT – SESSION 7 ✨
⏰ Reminder Tomorrow | 9:00 AM – 11:00 AM
📢 Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang na hikayatin ang inyong mga anak na dumalo sa ating Pagbasa at Pagsulat Session 7. 💖
Patuloy po nating tulungan ang ating mga bata na matutong magbasa, magsulat, magkaroon ng tiwala sa sarili, at mas lalo pang malinang ang kanilang kakayahan habang sila ay natututo at nagsasaya kasama ang ibang bata. ✏️📖✨
Sa bawat session ay may:
🌈 Masayang activities
📚 Learning lessons
🎨 Interactive exercises
😊 Bagong kaibigan at experiences
Huwag pong hayaang mahuli ang inyong mga anak sa masayang pagkatuto! Sama-sama po tayong magtulungan para sa kanilang magandang kinabukasan. 💕
Kita-kits po tayo bukas! God bless everyone! 🙏
22/05/2026
🏴☠️ Ahoy Mateys! 🏴☠️
✨ Daily Vacation Treasure Hunt – Day 3 ✨
📍 Praise Christian Fellowship Novaliches
Nagkaroon ng dalawang grupo — 🦈 Team Pating at 🏹 Team Hunters — sa ginanap na larong “Halo-Halong Sapatos” na tunay na nagbigay saya, tawanan, at excitement sa mga bata! 👟😂
Bukod sa masasayang laro, napuno rin ang araw ng pagkatuto ng Salita ng Diyos at pagtuklas ng tunay na kayamanan. 💖
At sa huli… natagpuan na ang natatagong “Kayamanan ng Pag-ibig”! ✨🙏
Maraming salamat sa lahat ng batang masayang nakilahok at nakiisa sa ating DVBS Day 3. Tunay na pinagpala at puno ng saya ang araw na ito! 💕
To God be the glory! 🙌
21/05/2026
📢 Paalala sa Lahat ng Magulang
Bukas na po ang HULING ARAW ng ating DVBS (Daily Vacation Bible School)! ✨
Inaanyayahan po namin ang lahat na papuntahin ang inyong mga anak upang maging bahagi ng masaya at makabuluhang karanasang ito habang patuloy silang natututo tungkol sa pag-ibig ng Diyos, nakakabuo ng pagkakaibigan, at nag-eenjoy sa mga masasayang gawain kasama ang ibang bata. 💖
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa. Excited na po kaming makasama ang mga bata sa pagtatapos ng ating DVBS bukas! 🙏
Kita-kits po tayong lahat! God bless. 💕
21/05/2026
🏴☠️ Daily Vacation Bible School – Treasure Hunt Day 2 💎
Natagpuan ng ating mga kids ang nakatagong “Kayamanan ng Katiwasayan” ✨
Patuloy nating hikayatin ang ating mga anak na makiisa sa DVBS upang matuto ng Salita ng Diyos habang nag-eenjoy kasama ang ibang bata. ❤️
📍 Praise Christian Fellowship Novaliches
🕘 9:00 AM – 11:00 AM
Tara na at sama-sama nating tuklasin ang tunay na kayamanan! ⚓📖