02/07/2026
OFFICIAL STATEMENT ON FALSE INFORMATION CIRCULATING ONLINE
BAGONG SILANGAN HIGH SCHOOL
July 2, 2026
Bagong Silangan High School firmly clarifies that no stabbing or shooting incident occurred inside the school campus. The alarming messages circulating on Messenger regarding an alleged threat to our students are false and are currently being investigated by the appropriate authorities.
Early this morning, a malicious wave of disinformation spread rapidly online, causing understandable fear and anxiety among parents and guardians, many of whom rushed to the school to fetch their children. We categorically affirm that no untoward incident or security breach occurred within the school premises. The campus remained secure throughout the day, and school operations were affected only by the panic and confusion brought about by the circulation of false information.
We wish to reassure our entire school community that all students, teaching and non-teaching personnel are safe. There were no reported injuries, and no learner or employee was harmed as a result of the false reports.
Recognizing that the spread of misinformation may have caused emotional distress, the school is extending appropriate psychosocial support and guidance interventions to students who were affected by the incident. Our guidance personnel, teachers, and school officials remain ready to provide the necessary assistance to ensure the well-being and emotional recovery of our learners.
We strongly urge everyone to exercise responsibility in sharing information. Please refrain from forwarding unverified messages and rely only on official announcements issued by Bagong Silangan High School, the Schools Division Office, and other authorized government agencies.
The safety, security, and well-being of our learners remain our highest priority. We continue to work closely with law enforcement authorities to identify the source of this malicious disinformation and to ensure that appropriate legal action is taken against those responsible.
Bagong Silangan High School remains committed to providing a safe, secure, and nurturing learning environment for all.
----------------------------------------
OPISYAL NA PAHAYAG UKOL SA PAGKAKALAT NG MALING IMPORMASYON SA ONLINE
BAGONG SILANGAN HIGH SCHOOL
Hulyo 2, 2026
Mariing nililinaw ng Bagong Silangan High School na walang naganap na pananaksak o pamamaril sa loob ng paaralan. Ang mga mensaheng kumakalat sa Messenger tungkol sa umano’y banta sa ating mga mag-aaral ay hindi totoo at kasalukuyang iniimbestigahan ng mga kinauukulang awtoridad.
Kaninang umaga, mabilis na kumalat sa social media ang mapanlinlang na maling impormasyon na nagdulot ng pangamba at pag-aalala sa maraming magulang at tagapag-alaga, dahilan upang agad nilang sunduin ang kanilang mga anak sa paaralan. Muli naming binibigyang-diin na walang naganap na anumang insidente o paglabag sa seguridad sa loob ng ating paaralan. Nananatiling ligtas ang ating paaralan, at ang naging abala sa operasyon nito ay dulot lamang ng pagkalat ng hindi beripikadong impormasyon.
Nais naming tiyakin sa buong komunidad ng paaralan na ligtas ang lahat ng mag-aaral, g**o, at mga kawani. Walang naitalang nasugatan, at walang sinumang mag-aaral o empleyado ang napahamak bunga ng maling balitang kumalat.
Batid namin na ang pagkalat ng maling impormasyon ay maaaring nagdulot ng takot at emosyonal na epekto sa ating mga mag-aaral. Dahil dito, nagbibigay ang paaralan ng kinakailangang psychosocial support at mga serbisyong panggabay sa mga mag-aaral na naapektuhan ng pangyayaring ito. Nakatutok ang ating mga guidance personnel, mga g**o, at mga opisyal ng paaralan upang magbigay ng nararapat na suporta at matiyak ang kapakanan at emosyonal na kalagayan ng ating mga mag-aaral.
Hinihikayat namin ang lahat na maging responsable sa paggamit ng social media at sa pagbabahagi ng impormasyon. Huwag magpakalat ng mga hindi beripikadong mensahe at umasa lamang sa mga opisyal na pahayag ng Bagong Silangan High School, ng Schools Division Office, at ng iba pang awtorisadong ahensya ng pamahalaan.
Ang kaligtasan, seguridad, at kapakanan ng ating mga mag-aaral ang aming pangunahing prayoridad. Patuloy kaming nakikipagtulungan sa mga kinauukulang awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng maling impormasyong ito at upang maisagawa ang naaangkop na aksyon laban sa mga responsable.
Nananatiling matatag ang Bagong Silangan High School sa kanyang pangako na magbigay ng isang ligtas, maayos, at mapagkalingang kapaligiran sa pagkatuto para sa bawat mag-aaral.