MHS Kagawaran ng Filipino

MHS Kagawaran ng Filipino Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MHS Kagawaran ng Filipino, School, Corumi Street Brgy. Masasambong, Quezon City.

02/08/2026

๐Ÿ˜€โค๏ธ

01/08/2026

๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐‘๐ž๐ฏ๐ž๐š๐ฅ!

Maaari mo nang ma-download o makakuha ng kopya ng poster ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Mada-download ang digital na poster at iba pang kolaterals sa: https://hostyurl.com/HB40c1

๐‡๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ญ๐ž๐ฆ๐š

Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Panawagan ito para sa responsableng paggamit ng AI habang tinitiyak na may makabuluhang espasyo ang Wikang Pambansa sa mga usaping may kinalaman sa mga umuusbong na teknolohiya at kaugnay na usaping pang-etika rito.

Itinuturing ang AI bilang kasangkapan para maiangat pa lalo ang kalidad ng saliksik na inihahandog ng mga Pilipino, unang-una, para sa mga kapuwa Pilipino. Habang kinakasangkapan ang AI, patuloy pa ring tinatahak ng wikang Filipino ang landas ng intelektuwalisasyon na magbubunga ng panloob at panlabas na pagbabago sa bansa. Sa ganitong paraan, kapuwa ang AI at wikang Filipino ay nagiging tulay na gagamitin ng mga Pilipino para sa kanilang pinapangarap na magandang bรบkas.

Ating ipagdiwang ang ating Wikang Pambansa sa Agosto 2026!

14/12/2025
MASAMBONGIAN, WAGI SA PANDIBISYONG PATIMPALAK!Nakamit ni Vince Jay Rubayan ang Unang Pwesto o Gintong Medalya sa Pansang...
28/08/2025

MASAMBONGIAN, WAGI SA PANDIBISYONG PATIMPALAK!

Nakamit ni Vince Jay Rubayan ang Unang Pwesto o Gintong Medalya sa Pansangay na Patimpalak sa Sulat-Tanghal Tula noong Agosto 27, 2025. Ang timpalak ay ginanap sa Pedro Tuason Senior High School para sa ipinagdiriwang na Buwan ng Wikang Pambansa ng Pansangay na Lungsod ng mga Paaralan.

Buong husay na ipinamalas ni Rubayan ang kaniyang pagbuo ng sariling tula at saka ibinigkas sa madla.

Dala-dala ang pangalan ng sintang Paaralang Sekondarya ng Masambong kasama ang buong Distrito uno ng Lungsod Quezon, ay pinatunayan niyang hindi magpapahuli ang Masambongian pagdating sa pagbuo at pagbigkas ng makabuluhang tula sa gabay ng kaniyang tagapagsanay na si Bb. Cristel Joy J. Cabalonga.

Patunay ito ng pagpapamalas ng mga g**o at mag-aaral ng Masambong ay nagpapamalas ng displina sa pagkatuto, malasakit sa kasama at para sa pag-unlad, at pagkakaisa para sa mabuting mithiin.

Ang tagumpay ninyo ay tagumpay rin ng buong paaralan at ng buong Distrito uno. Maalab na Pagbati sa inyo!

Padayon, Masambongians! ๐Ÿ˜Š

25/08/2025

Pabatid sa lahat dahil WALANG PASOK bukas. Pakibasa ang ilang mahahalagang
ANUNSYO at PAALALA bilang gabay sa ating mga patimpalak.

1. Ang Elimination Round ay gaganapin na sa araw ng Miyerkules, Agosto 27, 2025. Mananatili ang oras ng palatuntunan at walang magiging pagbabago sa daloy at mekaniks nito.

2. Ang kasuotan (costume) ay isusuot sa loob o pagkapasok sa paaralan. Papasok pa rin ang lahat ng nakauniporme at ID (kung mayroon na).

Kung mayroon pong paglilinaw, makipag-ugnayan lamang sa ating kagawaran.

Pagpalain po tayong lahat!

20/08/2025

ANUNSYO: Bilang pagbibigay daan sa ilang mga gawaing pampaaralan, inililipat ang huling pasahan ng bidyo ng indibidwal na pag-awit sa Biyernes, Agosto 22, 2025.

Sa mga nais pang magpasa, makipag-ugnayan na lamang sa inyong mga g**o sa Filipino.

Maraming Salamat sa inyong pag-unawa!

Ginto at Pilak ng Read-A-Thon!Nagwagi ang Masambongians sa pandistritong patimpalak na ginanap sa E. Rodriguez Jr. High ...
16/08/2025

Ginto at Pilak ng Read-A-Thon!

Nagwagi ang Masambongians sa pandistritong patimpalak na ginanap sa E. Rodriguez Jr. High School at Pugad Lawin High School nitong Agosto 14-15, 2025. Bago pa man humakot ng panalo ay nagpamalas din ng galing ang kinatawan ng ika-7 baitang na nagresulta ng pagkatuwa ng mga g**o sa kaniya.

Poster at Islogan
Ma. Christina B. Rotersos
7 Sampaguita
Tagapagsanay: Bb. Melbeth D. Ravidas

Sulat-Tanghal ng Tula
Vince Jay A. Rubayan
8 Rizal
Unang Puwesto
Tagapagsanay: Bb. Cristel Joy J. Cabalonga

Sulat-Bigkas ng Talumpati
Zhahanah Zoe Mananghaya
9 Diamond
Ikalawang Pwesto
Tagapagsanay: Bb. Rona D. Monderin

BidyoKasiya
Yzaak Daine Bernardo
10 Einstein
Ikalawang pwesto
Tagapagsanay: Bb. Rose P. Pangan

https://www.facebook.com/share/p/1Ayk16z9sj/

GINTO at PILAK na medalya ang naiuwi ng mga mag-aaral na sina Zhahana Zoe C. Mananghaya ng 9-Diamond at Vince Jay A. Rub...
14/08/2025

GINTO at PILAK na medalya ang naiuwi ng mga mag-aaral na sina Zhahana Zoe C. Mananghaya ng 9-Diamond at Vince Jay A. Rubayan ng 8-Rizal, sa ginanap na Pandistritong Patimpalak para sa Sulat-Tanghal ng Tula at Sulat-Bigkas ng Talumpati, ngayong araw, Agosto 14, 2025 sa E. Rodriguez Jr. High School.

Ipinamalas nila ang kanilang galing at itinayo ang bandila ng ating paaralang Masambong High School.

Pagbati rin sa kanilang mahuhusay at matitiyagang tagapagsanay na sina Bb. Cristel Joy J. Cabalonga para sa Sulat-Tanghal ng Tula at Bb. Rona D. Monderin para naman sa Sulat-Bigkas ng Talumpati.

Ang tagumpay ninyo ay tagumpay ng buong paaralan. Binabati namin kayong lahat!

Padayon, Masambongians! โค๏ธ

Panawagan sa ating mga minamahal na g**o at mag-aaral!Ihanda na ang mga tinatagong pangmalakasang piyesa, dahil bukas na...
08/08/2025

Panawagan sa ating mga minamahal na g**o at mag-aaral!

Ihanda na ang mga tinatagong pangmalakasang piyesa, dahil bukas na ang patimpalak sa Awit-Tambalan 2025.

Basahin ang Mekaniks sa ibaba at makipag-ugnayan sa inyong g**o sa asignaturang Filipino.

Halina't mag-awitan, OPM noon, buhayin at tangkilikin natin! ๐Ÿ˜‰

Pagbati sa mga mag-aaral na nakilahok sa mga indibidwal na Patimpalak sa paaralan bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 20...
07/08/2025

Pagbati sa mga mag-aaral na nakilahok sa mga indibidwal na Patimpalak sa paaralan bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na may temang, "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa".

Ang mga patimpalak tulad ng Poster and Slogan Making, Sulat-Tanghal Tula, at Sulat-Bigkas Talumpati ay nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang pangkat ng baitang 7 hanggang baitang 9.

Ang mga nagwagi sa mga nasabing patimpalak ay iaanunsyo sa pampinid na programa sa Agosto 29, 2025.

Pagbating muli sa lahat ng kalahok. Sabay-sabay nating linangin at pagyamanin ang ating Wikang Pambansa at mga Katutubong Wika. Makiisa sa mga gawain, baunin at lalong palawakin ang mga leksyon at aral na mapupulot natin.

Address

Corumi Street Brgy. Masasambong
Quezon City
1105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MHS Kagawaran ng Filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category