Wikang Filipino Instrumento sa Kaunlarang Akademya - BCP

Wikang Filipino Instrumento sa Kaunlarang Akademya - BCP Ito ay binuo upang pagbuklurin ang mga medyor sa Filipino tungo sa iisang layunin.

ᜏᜒᜃ

Ang WIKA ay naglalayong magbigay kaalaman sa iba patungkol sa Wikang Filipino na siyang Pambansang Wika ng ating Inang Bayan.

Maligayang Kaarawan sa aming minamahal na Kinatawan ng Ikalawang Taon! 🥳🎂🎉Sa ngalan ng buong Opisyales ng WIKA, nais nam...
24/09/2026

Maligayang Kaarawan sa aming minamahal na Kinatawan ng Ikalawang Taon! 🥳🎂🎉

Sa ngalan ng buong Opisyales ng WIKA, nais naming ipahayag ang aming taos-pusong pasasalamat sa iyong walang sawang paglilingkod, dedikasyon, at pamumuno. Ikaw ang naging tinig, gabay, at haligi ng buong Ikalawang Taon. Laging handang mag-aasikaso, makinig, at tumugon sa pangangailangan ng bawat isa 🫡🫶🏼

Ang iyong sipag, malasakit, at integridad ay tunay na nagsisilbing inspirasyon para sa amin. At nawa'y patuloy kang pagpalain ng masaganang biyaya, at kalusugan ng ating mahal na Panginoon 😇🙏🏼

Kami ay lubos na nagpapasalamat at ipinagmamalaki na ikaw ang isa sa aming mga kinatawan.

Muli, Maligayang Kaarawan sa iyo! 🥳✨

17/09/2026

Yohoo! Dito Ang Tingin! 🤗

Kumusta ang naging pagsusulit ka-WIKA?

Nakita mo na ba ang mga score mo sa exam? 👀🤔

2/3 para sa unang semestre ✅

Hindi man naging madali ang nagdaang pagsusulit dahil sa sunod-sunod na kanselasyon ng klase bunsod ng habagat, nawa'y naalala pa rin natin ang mga talakaying itinuro sa atin at nagresulta ito sa mataas na score.

Sa mga nakakuha ng mababa, okay lang 'yan! ang mahalaga galing sa'yo at ginawa mo ang best mo! 😊




✍🏼: Reynaldo Sayawan Miano | TAGAPANGULO
🧑🏼‍🎨: Ryan Christian | TAGAPATNUGOT

Disclaimer: Ang video ay hindi pagmamay-ari ng page na ito. Ito ay ginamit lamang bilang katuwaan at walang pagnanais na angkinin mula sa legal na may-ari.

Maligayang pagbati sa iyong kaarawan, aming Ingat-Yaman! 🥳💰  Siya ang taga-bantay ng kaban at ng tiwala ng buong WIKA Or...
12/09/2026

Maligayang pagbati sa iyong kaarawan, aming Ingat-Yaman! 🥳💰

Siya ang taga-bantay ng kaban at ng tiwala ng buong WIKA Organization.
Salamat sa pagiging tapat, maayos, at laging may malasakit sa bawat miyembro 🤗🫡

Hindi madali ang trabaho mo, pero hindi ka nagreklamo. Patuloy ka pa ring naglilingkod ng buong puso 😊🫶🏼

Nawa’y dumami pa ang blessings mo gaya ng budget natin tuwing may proyekto! 🎁

Ingat ka lagi sa pag-iingat ng yaman, at ng sarili mo ❤️
Proud kami sayo! Padayon! 🫶🏼



🧑🏼‍🎨: Andrhea Shane Deemoy | KINATAWAN NG UNANG TAON
✍🏼: John Poul Morales | TAGAPAGTATAG

𝙈𝙖𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙗𝙖𝙣𝙨𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙪𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙂𝙪𝙧𝙤! 🧑‍🏫👩🏻‍🏫👨🏽‍🏫👨🏼‍🏫Ating ipinagdiriwang ang Buwan ng mga G**o mula ika-5 ng Setyemb...
05/09/2026

𝙈𝙖𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙗𝙖𝙣𝙨𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙪𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙂𝙪𝙧𝙤! 🧑‍🏫👩🏻‍🏫👨🏽‍🏫👨🏼‍🏫

Ating ipinagdiriwang ang Buwan ng mga G**o mula ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre sa bisa ng Proklamasyon blg. 242. Ito ay bilang pagkilala sa natatanging ambag ng mga kaguruan sa paghubog ng mga kabataan at pagbibigay ng kaalaman sa larangan ng edukasyon.

Ang kanilang determinasyon at sakripisyo ay hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga. Bilang mga g**o, dala-dala nila ang responsibilidad na pagyabungin at paunlarin ang kakayahan, kaalaman, at talento ng bawat isang kabataan.

Ang organisasyong WIKA ay nakikiisa sa pagdiriwang na ito at taas-noong sumasaludo at ipinagmamalaki ang lahat ng kaguruan!

𝙼𝙰𝙱𝚄𝙷𝙰𝚈 𝙰𝙽𝙶 𝙼𝙶𝙰 𝙶𝚄𝚁𝙾!
𝙼𝙰𝙱𝚄𝙷𝙰𝚈 𝙰𝙽𝙶 𝙴𝙳𝚄𝙺𝙰𝚂𝚈𝙾𝙽!




✍🏼: Reynaldo S. Miano | TAGAPANGULO
🧑🏼‍🎨: Ryan Christian | TAGAPATNUGOT

Magandang Buhay mga Ka-WIKA! 🤗👋🏼Sa pangunguna ng WIKA ORGANISASYON, matagumpay na idinaos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wi...
02/09/2026

Magandang Buhay mga Ka-WIKA! 🤗👋🏼

Sa pangunguna ng WIKA ORGANISASYON, matagumpay na idinaos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 noong Agosto 26, 2026 sa Bestlink College of the Philippines - MV. Campus Gymnasium 🤎✨🇵🇭

Ang pagdiriwang na ito ay nagsilbing makabuluhang pagtitipon upang bigyang-diin ang kahalagahan ng Wikang Filipino bilang pundasyon ng ating pagkakakilanlan, pagkakaisa, at pambansang kaunlaran. Mula sa pagpaplano, paghahanda, hanggang sa pagsasakatuparan, naipamalas ng buong organisasyon ang dedikasyon, pagtutulungan, at pagmamahal sa sariling wika at kultura ☺️🥰

Ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa sipag at malasakit ng mga taong nasa likod ng pagdiriwang:

TAGAPANGULO: Reynaldo S. Miano - Pangunguna sa kinakailangang dokumentasyon
KALIHIM: Jenalyn M. Jalgalado - Pagbeberipika ng mga impormasyon at detalye
TAGAPANGULONG-PANLOOB at INGAT-YAMAN: Leila Charisma C. Asuncion & Mark Gerald M. Violata - Mga Tagapagdaloy
TAGAPAGTATAG: John Poul L. Morales - Para sa Stage Design
TAGAPATNUGOT: Ryan Christian D. Gozo - Para sa Posters
KINATAWN NG IKAAPAT NA TAON: Nicolas Aya Vireynato - Technical
TAGATUOS: Jollie Mae S. Valenzuela - Para sa Sertipiko at Mga Karangalan

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa ating TAGAPAYO at PROGRAM HEAD para sa walang sawang gabay at suporta, gayundin sa ating mga SPONSORS na naging katuwang sa tagumpay ng programang ito 🫶🏼🤎

Sa lahat ng mag-aaral mula sa iba’t ibang departamento na nakiisa at nakilahok, maraming salamat! Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating pahalagahan, gamitin, at pagyamanin ang Wikang Filipino sa lahat ng pagkakataon 🙌🏼😊🫡


Magandang Buhay mga Ka-WIKA! 🤗Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ngayong Agosto 31,2026, taimtim nating ginugunita ang...
31/08/2026

Magandang Buhay mga Ka-WIKA! 🤗

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ngayong Agosto 31,2026, taimtim nating ginugunita ang kabayanihan, sakripisyo, at walang kapantay na pagmamahal sa bayan ng ating mga ninuno 🇵🇭✨

Sila ang mga Pilipinong tumindig sa gitna ng paghihirap, lumaban para sa kalayaan, at nag-alay ng buhay upang matamasa natin ang bansang malaya ngayon. Mula sa mga bayani ng rebolusyon hanggang sa mga modernong bayaning patuloy na naglilingkod sa bayan, ang kanilang tapang ang nagsilbing ilaw sa ating kasaysayan 🫡

Nawa’y magsilbi silang inspirasyon upang tayo rin ay tumindig at maglingkod — sa paaralan, sa trabaho, sa komunidad, at sa bayan. Sa simpleng paggawa ng tama, pagtulong sa kapwa, at pagmamalasakit sa bansa, naipagpapatuloy natin ang kanilang pamana 😊🤍

Ang pagiging bayani ay walang pinipiling araw at oras, ito ay kusang lalabas sa atin sa pamamagitan ng pagmamahal at malasakit sa kapwa at bayan! 💖

Mabuhay ang mga Bayani ng Pilipinas! 🇵🇭




✍️: John Poul Morales | Tagapagtatag
🧑‍🎨: Ryan Christian | Tagapatnugot

🌋 LAKBAY-REHIYON | BICOL REGION 🌋Mula sa paanan ng maringal na Mayon hanggang sa masasarap at maanghang na lutuing Bicol...
26/08/2026

🌋 LAKBAY-REHIYON | BICOL REGION 🌋

Mula sa paanan ng maringal na Mayon hanggang sa masasarap at maanghang na lutuing Bicolano, halina’t tuklasin ang makulay na kultura ng Bicol Region – Rehiyon V! ✨

Tampok ang makukulay na tradisyon, matatapang na lasa, makasaysayang pamana, at pusong Bicolano na patuloy na nagbibigay-buhay sa kanilang pagkakakilanlan. 💚

Bicol: matatag ang kultura, maalab ang puso, at tunay na kahanga-hanga! 🇵🇭




🌾 LAKBAY-REHIYON | CENTRAL LUZON 🌾Tara na at kilalanin ang Central Luzon—Rehiyon III, isang lupain ng mayamang kasaysaya...
26/08/2026

🌾 LAKBAY-REHIYON | CENTRAL LUZON 🌾

Tara na at kilalanin ang Central Luzon—Rehiyon III, isang lupain ng mayamang kasaysayan, makukulay na tradisyon, at masaganang kultura! ✨

Mula sa mga natatanging kaugalian hanggang sa mga pagkaing nagpapakilala sa bawat lalawigan, tunay na kahanga-hanga ang yaman ng kulturang Kapampangan, Bulakenyo, Nueva Ecijano, at iba pa. ❤️

Isang rehiyon, sari-saring kuwento, iisang pusong Pilipino! 🇵🇭




🌾 LAKBAY-REHIYON | REHIYON I 🌾Mula sa lupang hitik sa kasaysayan at kulturang Ilokano, ating tuklasin ang natatanging ya...
26/08/2026

🌾 LAKBAY-REHIYON | REHIYON I 🌾

Mula sa lupang hitik sa kasaysayan at kulturang Ilokano, ating tuklasin ang natatanging yaman ng Rehiyon I – Ilocos Region! ✨

Sa bawat tradisyon, pagkain, kasuotan, sining, at wikang ipinagmamalaki, buhay na buhay ang makulay na pagkakakilanlan ng mga Ilokano. 💚

Halina’t maglakbay, kilalanin, at ipagmalaki ang Rehiyon I! 🇵🇭




Address

#1071 Brgy. Kaligayahan, Quirino Highway, Novaliches
Quezon City
1123

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Wikang Filipino Instrumento sa Kaunlarang Akademya - BCP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Wikang Filipino Instrumento sa Kaunlarang Akademya - BCP:

Shortcuts

Share

Category