23/09/2026
ingat po.
Panatiliin MALINIS ang ating kapaligiran.
๐๐ ๐ ๐๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐จ๐ง ๐๐๐๐๐๐, ๐๐ข๐ง๐๐ค๐๐ฆ๐๐ซ๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ข๐ญ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ ๐ฌ๐ ๐๐
Mga batang edad sampung (10) taon pababa ang pinakaapektadong age group sa mga naitalang kaso ng dengue sa Quezon City mula January 1 hanggang September 15, 2026, batay sa dengue surveillance data ng lungsod. Binubuo ito ng 44% ng kabuuang kaso ng dengue case sa buong lungsod (5,150 total case) ngayong taon.
Samantala, 50% (2,533 cases) ng kabuuang naiulat na dengue cases ay kabilang sa school-aged children na edad 5 hanggang 17 taon.
Ipinapakita ng mga datos ang kahalagahan ng patuloy na pagbabantay at pagpapatupad ng mga hakbang laban sa dengue, partikular sa mga komunidad na maraming mosquito breeding site.
Hinihikayat ang mga magulang, paaralan, at komunidad na patuloy na magsagawa ng regular na pagsusuri at paglilinis ng kapaligiran upang maalis ang mga lugar na maaaring pagparamihan ng lamok. Mahalaga ring itapon o itago nang maayos ang mga lalagyan na maaaring pag-ipunan ng tubig at panatilihing malinis ang paligid.
Mahalaga rin ang maagang pagtukoy sa mga sintomas ng dengue. Kapag nakaranas ng lagnat at iba pang sintomas na maaaring kaugnay ng dengue, lalo na ang mga bata, agad na kumonsulta sa health center o health facility para sa wastong pagsusuri at payo.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Dengue, bisitahin ang link na ito:
https://www.facebook.com/photo/?fbid=1055089823314957&set=a.637382685085675
https://www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance/posts/1038855791605027
Para sa iba pang disease surveillance update, i-follow, at magmessage sa aming page Quezon City Epidemiology & Surveillance Division
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609