Buhay Estudyante

Buhay Estudyante

Share

Kwentong Karanasan ng mga Mag aaral

28/02/2022

Paano ka makakatulong sa paaralan at kumunidad upang mahikayat ang kapwa mon estudyante na mag-aral ng mabuti ?

Sagot: Sa pamamagitan ng ng pagbabahagi ng aking karanasan. Halina't subaybayan

"Bakit ba tayo nag-aaral?"

Ako ay isa lamang sa libo libong kabataan na nag aaral sa kasalukuyan, ngunit ano nga ba ang magandang dulot nito sa atin? Bakit ang iba sa atin ay dumadanas ng hirap para lang makapagtapos ng pag aaral? Marahil naiisip nyo rin ang mga katanungan na nabanggit, Halina't basahin ang aking munting Karanasan.

Ang isa sa mga pangaral ng aking magulang, ay ang mga katagang "Pagbutihin mo ang pag-aaral, hanggat kaya namin, dahil nyan lang ang maipapamana namin sa iyo", noong ako'y labing tatlong taon gulang pa lamang at nasa ika-walong baitang, hindi ko ito lubos na naiintindihan at iniisip ko lang na isa lang ito sa mga sermon nila dahil bumabagsak ang aking mga grado. Mas binibigyan ko ng oras ang paglalaro ng computer games, at dumating pa sa puntong, hindi ako pumapasok sa paaralan para lamang makapaglaro, ng hindi nalalaman ng aking mga magulang. Ngunit sabi nga nila, walang lihim ang hindi nabubunyag, Dumating ang araw na nag patawag ng meeting para sa mga magulang ang aming g**o. at natuklasan ng aking ina na matagal na akong hindi pumapasok, dulot nito, hindi ko na maaring matapos ang Ika walong baitang at tumigil sa pag aaral.

Simula ng tumigil ako sa pag aaral, mas lalo akong nalulong sa pag lalaro ng computer games at laging napapatambay kasama ang barkada na umaaabot ng madaling araw, at minsan nga'y napapaaway pa. Araw araw lagi akong nasesermonan ng aking mga magulang dahil sa aking mga gawain sa buhay, ngunit hindi ko ito binibigyan ng pansin. Hanggang sa dumating sa punto na tinatamad na kong mag aral, Lumipas ang unang taon ng hindi ko pag eenroll, nakaramdam ako ng saya dahil nagagawa ko ang mga gusto ko at walang akong takdang aralin na kailangan isipin, Ngunit sa Ikalawa at ikatlong taon, kung saan pumasaok ang covid 19 sa ating bansa nakaramdam ako ng lungkot dahil nalimitahan ang aking mga nakasanayang gawain. Sa panahon na ito, ano nga ba ang magagawa ng isang tulad ko na hindi nag aaral at hindi pa makalabas ng tahanan? Wala, Nakaramdam ako ng hiya sa aking mga kapatid at magulang dahil sila nagtatrabaho, samantalang ako puro tulog, kain at pag lalaro ng Computer games lang ang inaatupag. Ngunit habang tumatagal nawalan ako ng gana sa mga ginagawa ko, na para bang hindi na sya nag bibigay ng saya sa akin,

Tumuntong ako sa edad ng 17 taong gulang, Tinanong ako ng ate ko na kung gusto ko bang bumalik sa pag aaral, Napaisip ako, na baka masyado na kong matanda para sa ika-walong baitang, nakaramdam ako ng hiya, dahil kung ieenroll ako malamang na ang magiging mga kaklase ko ay di hamak na mas bata sakin, kaya nag dalawang isip ako. Ngunit isa sa nakapagpabago ng isip ko ay yung mga sinabi ng tatay ko "Michael, tumatanda ka na, sa ngayon hindi mo pa nararanasan ang hirap ng buhay, pero kapag tumuntong ka na sa wastong edad at gusto mo ng magkapera ng sarili mo, mahihirapan kang makahanap ng trabaho dahil hindi mo man lang natapos ang high school" Dahil sa sinabi ng tatay ko, napagdesisyunan ko na mag enroll nakaraang taon (2021) at pinili ko ang Online class. Bagama't bago sa akin ang ganitong set up, pinilit ko parin makasabay. Nakakahiya man na hindi angkop ang aking edad sa ika-walong baitang. Ngunit ang laging nasa isip ko na hindi hadlang ang edad para makapagtapos ng pag aaral.

Kaya sa mga kabataan na nakakaramdam ng katamaran sa pag aaral, isipin nyo ang mga taong masasayang. Lalo na kung tayo ay lumaki na mahirap lamang, Pinaghalong hirap at saya ang pag-aaral ngunit kung tayo ay makakatapos, isa ito sa maituturing nating kayamanan.

Michael Andrew Ranit

Want your school to be the top-listed School/college in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Quezon City
1127