22/08/2025
JANAZAH WORKSHOP
Ang Janazah workshop ay isang mahalagang programa o pagsasanay na tumutulong sa mga ka-Musliman na maunawaan at maisagawa nang tama ang mga aral at patnubay ng Islam hinggil sa pag-aasikaso sa taong yumao.
Itinuturo sa workshop na ito ang wastong pamamaraan ng paghuhugas (ghusl), pagbalot (kafan), pagdarasal (Salat al-Janazah), at paglilibing ayon sa Sunnah ng Propeta ﷺ.
Gayun din, itinuturo rin dito na dapat iwasan yung mga kuro-kuro o haka-haka hingil sa pagsasagawa ng Janazah.
Maraming pamahiin at hindi makatuwirang kaugalian ang inuugnay ng mga tao rito na siyang paglabag sa turo ng Islam, kaya sa pamamagitan ng Workshop na ito, ay nalalaman ng mga tao kung ano ang tama at kung ano ang bawal sa pagsasagawa ng Janazah.
Ito rin ay isang uri ng pag-alala sa kamatayan, na siyang sisira sa labis na pagkalunod ng mga tao sa mga makamundong-bagay.
Kaya ang pagkakaroon ng mga ganitong Programa ay isang malaking biyaya mula sa Allah Subhanahu Wata'ala, Alhamdulillah.
Gayun din, gantimpalaan nawa ng Allah ang mga taong nagtaguyod nito, lalong-lalo ng ang Grupo ng S.I.R o Salaam Ibadah Rescue
At dalangin ko sa Allah na nawa'y ibilang tayo sa Kanyang mga mabubuting alipin, at datnan tayo ng kamatayan na Siya ay nalulugod sa atin. Āmeen 🤲🏼