30/08/2021
Maligayang Araw ng mga Bayani! 🇵🇭
Sa selebrasyon ng Araw ng mga Bayani ngayong taon, ating bigyang-pagkilala at sama-sama nating ipagmalaki ang mga bayani ng ating bansa mula pa noong unang panahon, hanggang sa ating mga modernong bayani ngayon.
Kalakip ng mapagbago at mapanghamong panahon ay ang pagkasilang ng bagong henerasyon ng mga bayani. Tandaan na ang pagiging bayani ay hindi nasusukat sa katanyagan, bagkus sa mga aksyong mapagpalaya at nagpapakita ng masidhing pagmamahal sa ating bayan.
Maging bayani ng iyong henerasyon!