16/08/2020
FYI:
PAALALA LANG PO Sa mga Magulang ng mga mag-aaral para sa S.Y. 2020-2021..
Dahil sa Oct.05, 2020 pa po ang simula ng klase, hinihikayat po namin ang mga magulang na gabayan ang inyong mga anak.Gamitin sa makabuluhang bagay ang bakanteng oras ng inyong mga anak. Maari po ninyong turuan, gabayan at ipagawa ang mga sumusunod sa kanila:
โ
Manood po ng educational shows sa DepEd TV Channel
โ
Iaccess po ang DepEd Commons
โ
Manood po ng mga educational videos
โ
Kung manonood po ng pelikula o movies, siguraduhin na rated G (General) at may moral lesson sa ending
โ
Ugaliin po ang pag babasa araw-araw sa Filipino at Ingles
โ
Magpraktis at hasain pa po ang kakayahan nila sa cursive writing
โ
Tuklasin pa po ang iba pa nilang talento
๐ผ Mag-aral tumugtog ng instrumentong musikal na mayroon po kayo sa bahay
๐จ Hasain pa po ang kakayahan nila sa paglikha ng mga art works
๐ฅ๐ธ Hasain pa po ang kakayahan sa paboritong individual/dual sports(sundin ang health protocols)
๐๏ธโโ๏ธ Mag exercise po para hindi ma-estroke, galaw-galaw kung baga po๐
๐ฝ Turuan din po silang tumulong sa mga gawaing bahay para po hindi nman po kayo gaanong ma-estress
๐จโ๐ป๐ฉโ๐ปMagbasa ng makabuluhang aklat
At higit sa lahat p**i turuan po ang ating mga anak ng tungkol sa ating mga CORE VALUES, pagmamahal sa ating kapwa, sa ating bayan at higit sa lahat ang pagpupugay sa ating Dakilang Lumikha.
๐๐ Magdasal at maaring dumalo o umatend po ng online mass tuwing Linggo
โ
At marami pang pong iba na pwedeng pagka-abalahan, upang maging mas maayos ang kondisyon ng inyong mga anak at may bukas n pag-iisip at katawan sa darating na pagbubukas ng klase.
Dalangin din po namin na mas magkaroon pa po kayo ng mas malalim na BONDING ng inyong mga anak etong panahon ng epidemya.
Maging healthy po sana at ibayong ingat po tayong lahat. Kasihan nawa po tayo ng Panginoong Diyos.