27/07/2026
𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢! 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔𝗕𝗔 𝗞𝗔𝗬𝗢?
⚓ 𝗜𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝘂𝗹𝗮𝘁, 𝗶𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁𝗼, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗴 𝗗𝗮𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻!
May hilig ka ba sa pagsusulat, pagguhit, pag-eedit, o pagbabalita? Ngayon na ang iyong pagkakataon na maging bahagi ng 𝗔𝗻𝗴 𝗗𝗮𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻, ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng 𝗘𝗻𝗿𝗶𝗾𝘂𝗲𝘁𝗮 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗶𝗹𝗹𝗮 𝗗𝗲 𝗘𝘀𝘁𝗲𝗯𝗮𝗻 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹.
Huwag hayaang manatiling nakatago ang iyong kakayahan. Sa Ang Daungan, ang bawat salita ay may saysay, ang bawat likha ay may layunin, at ang bawat tinig ay may kapangyarihang magbigay ng kaalaman, inspirasyon, at pagbabago.
Kung handa kang maging bahagi ng isang samahang nagsusulong ng katotohanan, kahusayan, at paglilingkod, ito na ang iyong pagkakataon.
🖋️ Sumali. Lumikha. Magbigay-inspirasyon.
Maging isa sa mga susunod na Daunganista at hayaang marinig ang iyong tinig sa bawat pahina.
𝙏𝙞𝙣𝙞𝙜 𝙣𝙜 𝙄𝙨𝙞𝙥, 𝙎𝙞𝙣𝙖𝙜 𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙩𝙤𝙩𝙤𝙝𝙖𝙣𝙖𝙣, 𝘿𝙖𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜-𝙖𝙨𝙖. 🪶
📌 Sa mga interesadong maging bahagi ng Ang Daungan, magsumite ng inyong mga gawa kay:
-Bb. April Gene N. Jereza – Tagapayo
-Gng. Charline G. Caballero – Katulong na Tagapayo
⚓ 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡
Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Enriqueta Montilla De Esteban Memorial High School.
𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗮𝘁 𝗗𝗶𝘀𝗲𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗚𝗿𝗮𝗽𝗶𝗸𝗼 𝗻𝗶: Vince Jefferson Ortaliz
📣𝐃𝐚𝐠𝐝𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧: Kung ikaw ay interesado sa pagbabalita at naniniwalang may kakayahan kang maging isang tagapagbalita, ang audisyon ay gaganapin sa silid-aralan ni . 𝑩𝒃. 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝐆𝐞𝐧𝐞 𝐉𝐞𝐫𝐞𝐳𝐚 sa oras ng uwian sa hapon.