25/09/2026
Ang Dampol B Elementary School ay kaisa sa adhikaing bumuo ng isang paaralang ligtas, malinis, malusog, inklusibo at tunay na child-friendly para sa bawat mag-aaral.
Ang kaligtasan ng mga bata ay hindi lamang tungkulin ng paaralan — ito ay responsibilidad nating lahat. Sa tulong at pakikipagtulungan ng mga magulang, barangay, LGU, BFP, PNP, mga health workers, at iba pa nating katuwang, patuloy nating pinangangalagaan ang kapakanan at seguridad ng bawat batang Loobian.
*Ang aming pangako bilang paaralan:*
✅ Panatilihin ang ligtas, maayos at malinis na kapaligiran sa paaralan
✅ Itaguyod ang karapatan, proteksyon at kapakanan ng bawat bata
✅ Maging laging handa sa sakuna, aksidente at anumang emergency
✅ Isulong ang respeto, pagkakapantay-pantay at pagiging inklusibo
✅ Palakasin ang ugnayan sa mga magulang at komunidad para sa kaligtasan ng lahat
Sama-sama para sa ligtas, malusog, masaya at makabuluhang pagkatuto ng bawat bata!
Para sa emergency at agarang tulong, mangyaring tingnan at gamitin ang mga hotline na nasa poster.