26/03/2017
"Tatlumpung Minuto"
By: Coo-Creation
Kasalanan ang mahalin ka,
Yan ang sabi nila,
Tambalan na di mapagbibigyan,
Sa di maipaliwanag na dahilan.
Sigaw ng puso ay pangalan mo,
Ikaw nalang palagi ang tibok nito.
Hinahanap hanap ang isang tulad mo,
Hindi ko alam, kung bakit ganito.
Pero pagmamahalan ay di mapagbibigyan,
Maraming sumusubok na tayo hadlangan,
Kaya diko alam kung papaano ipapaalam,
O kung papaano ko ipaparamdam.
Nang sabihin mo na ako ay mahal mo,
Sinabi ko, sayo na ikaw din ay mahal ko.
Pero kahit alam natin pareho na mali ito,
Hindi nag dalawang isip na aminin sayo.
Naalala mo paba nung pumayag ka?
Na maging tayong dalawa.
Pero sa sandaling panahon lang,
Na gusto lang natin,ibuhos ang nararamdaman
Kaya salamat sa tatlumpung minuto,
Tatlumpung minuto na naging tayo.
Na nagkaroon ng ikaw at Ako
Na sa sandaling panahon ay nagkatotoo
Bawat minuto ay sinulit,
Mga pangarap na sinasambit.
Bawat pangako na sinabi sayo,
Na pinapatunayan ng luha sa mata ko.
Salamat sa pag payag mo,
Alam man natin na mali ito.
Salamat ako ay pinag bigyan mo,
Na iparamdam sayo ang pagmamahal ko.
Tatlumpung minuto na bumago sa buhay ko,
Na pumawi sa kalungkutan ko,
Tatlumpung minuto na diko malilimutan,
Pinapangako sayo na hindi ka kalilimutan.
Kung hindi man ngayon,
Sana ay mapagbigyan ng panahon.
Kung hindi man ngayon,
Ipagdadasal ko, ang tamang panahon.
BCHS Secret Files