Ang Private Group na ito ay binuo para sa mga mag-aaral at magulang mula sa Grade 8-Kamagong na may layuning gabayan ang bawat mag-aaral sa kanilang mga aralin at bigyan ng pagkakataon ang mga magulang na maliwanagan kung may hindi nauunawaan sa mga gawain ng mag-aaral.
Basahin at unawaing mabuti:
1. Maging magalang - sa mga g**o, magulang o mga kapwa mag-aaral. Gumamit ng magagalang na salita at huwag gagamit ng nakababastos na salita.
2. Ugaliing bumati at magbigay galang bago magtanong ng mga bagay na nais mong malaman. Bumati ng naaayon sa oras at panahon.
3. Ugaliing magbasa at unawain muna ang bawat post/discussion ng mga g**o. Kung talagang hindi maunawaan ay i-comment sa comment box ng post ang iyong katanungan. HUWAG MAHIHIYANG MAGTANONG kung talagang hindi nauunawaan.
4. Kung may nais hanaping topic, gamitin ang SEARCH ICON ng group page. I-type ang topic na gustong mahanap para maiwasan ang PAULIT-ULIT na pagtatanong. Kapag nasagot na ng limang beses ang isang parehong tanong ay hindi na muling sasagutin pa ito ng mga g**o. Kaya ugaliin ang magbasa at maghanap ng kasagutan. Kaya nyo yan, mga anak.
5. Kung talagang hindi mahanap ang topic na pakay, maaaring i-post ang iyong concern upang masagot ito ng ibang myembro kung sakaling alam nila ang kasagutan.
6. BAWAL MAG LIVE SELLING SA GRUPONG ITO. Bawal magbenta o kung ano pa. Para lamang ito sa lahat ng bagay na may kinalaman sa inyong pag-aaral.
7. Siguraduhing ikaw ay mag-aaral ng Grade 8-Kamagong.
8-Kamagong SY. 2021-2022 Evvdmhs
Ang Private Group na ito ay binuo para sa mga mag-aaral at magulang mula sa Grade 8-Kamagong na may layuning gabayan ang bawat mag-aaral sa kanilang mga aralin
Want your school to be the top-listed School/college in Pulilan?
Click here to claim your Sponsored Listing.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Poblacion
Pulilan
3002