23/08/2026
📢 MAHALAGANG PAALALA SA LAHAT‼️
Ayon sa DepEd Order No. 014, s. 2026 – Guidelines on Learning Continuity in Emergencies, may mahalagang papel ang mga magulang o legal guardians sa pagpapasya kung ligtas at angkop para sa kanilang anak ang pagpasok sa paaralan, batay sa kanilang pisikal at mental na kalagayan kahit walang opisyal na suspension ng klase.
Kasabay nito, responsibilidad din ng mga magulang at guardians na tulungan ang kanilang mga anak na makahabol sa mga kinakailangang aralin at competencies upang hindi mapag-iwanan sa pagkatuto.
STAY SAFE. STAY HEALTHY. KEEP LEARNING. KEEP GROWING. 💙📚🌱
📢 LEARNING CONTINUITY IN EMERGENCIES
Sa panahon ng kalamidad at iba pang mapanganib na sitwasyon, kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral ang pangunahing prayoridad.
Ang mga magulang o legal na tagapag-alaga ay may mahalagang responsibilidad na magpasya kung ligtas at nararapat bang pumasok ang kanilang anak, batay sa kanilang pisikal at mental na kalagayan kahit walang opisyal na suspensyon ng klase.
Kasabay nito, mahalaga ring magtulungan ang paaralan, mga g**o, magulang, at mag-aaral upang maipagpatuloy ang pagkatuto at makahabol sa mga kinakailangang kasanayan at kompetensi.
🤝 Sama-sama nating tiyakin ang kaligtasan, kagalingan, at patuloy na pagkatuto ng bawat mag-aaral anumang oras at saanman.