05/08/2026
Congrats Toby!
Batang Palawenyo na si Raymund Acosta, Bronze medalist sa International Mathematical Olympiad
Nasungkit ng Grade 10 student mula sa Salvr Regina na si Raymund Cristobal Arroyo Acosta ang Bronze medal sa katatapos lang na Asian International Mathematical Olympiad (AIMO) 2026, na ginanap sa Hanoi, Vietnam nitong Agosto 2 hanggang 4.
Umabot sa 1, 300 partisipante mula sa 22 bansa ang lumahok ngayaong taon, at tanging si Acosta lang ang taga Palawan na nakasali at parti ng Team Philippines.
Ayon sa Ama ni Raymund, naging mahirap ang mga tanung sa finals ng competition, ganun pa man ay hindi umuwing luhaan ang anak nya, at nagkamit pa rin ng Bronze Medal.
Ayon sa pahayag, binubuo ng 30 tanong ang final exam sa AIMO, na may tatlong level ng difficulty at may 150 points kada tamang sagot. Ito rin ang unang beses na nag host ang Vietnam ng Math Olympiad.
Via Joel Contrivida