Maligayang Araw ng mga G**o!
Mula sa Supreme Elementary Learner Government (SELG), taus-puso po kaming bumabati ng Happy Teachers' Day sa lahat ng masisipag, matiyaga, at kahanga-hangang g**o ng MRSIS!
Salamat po sa inyong walang sawang paggabay, pagtuturo, at pagbibigay-inspirasyon sa bawat mag-aaral. Kayo po ang tunay na huwaran at bayani sa loob at labas ng paaralan.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang aktibidad na ito β sa Barangay Council sa pangunguna ni Kap. Gidz Danggan, at sa lahat ng mga magulang at mag-aaral na buong pusong sumuporta at nakiisa.
Muli, isang maalab na pagbati ng Maligayang Araw ng mga G**o! Nawaβy patuloy kayong pagpalain at bigyan ng lakas sa inyong mahalagang tungkulin.
β SELG | MRSIS
Mauricio Reynoso Sr. Integrated School - SELG
π MRSIS - SELG
π Leading with heart, serving with purpose
π‘ Projects β’ Events β’ Student Voice
π
SY 2025β2026
#SELG #YoungLeaders #FutureNationBuilders
πβ¨ Ipinagdiwang ng Mauricio Reynoso Sr. Integrated School ang 29th Founding Anniversary ng DepEd Puerto Princesa City (DepEd PPC) ππ sa pangunguna ng aming masisipag na SELG Officers at ng aming masigasig na SELG Adviser, Sir Albert Socrates.
Tema:
"29 Years of Excellence: Celebrating Legacy, Embracing Innovation" π‘πΏ
Isang makulay at makahulugang selebrasyon na nagbigay-diin sa kahalagahan ng edukasyon, pamana ng kahusayan, at patuloy na inobasyon tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataang PalaweΓ±o. ππ
Lubos ang aming pasasalamat kay Punong G**o Genevieve P. Osia, sa lahat ng g**o, mag-aaral, at panauhin na buong puso ang nakibahagi at sumuporta sa pagdiriwang na ito. ππ Mabuhay ang DepEd PPC!
04/08/2025
Ating ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa! π΅π
Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon ng buong bansa sa pagkilala at pagtatampok sa wikang Filipino at mga katutubong wika bilang mahalagang salik sa pagkakaisa ng bansa.
Patuloy na itinataguyod at pinagyayaman ng DepEd ang wikang Filipino at mga katutubong wika bilang instrumento sa pagkatuto at simbolo ng pagkakakilanlan ng bansa.
Maaaring i-download ang banner gamit ang link na ito: https://bit.ly/BuwanNgWika2025_Banner
Mauricio Reynoso Sr. Integrated School π₯°
Ang SELG Officers ay nakilahok sa Kick-off Program ng Mauricio Reynoso Sr. Memorial Elementary School para sa Brigada Eskwela 2025! ππ§Ή
Sa pangunguna ni SELG President Prince Rehan Ansaruddin at sa gabay ng aming SELG Adviser na si Sir Albert Socrates, aktibong nakiisa ang mga student leaders sa pagsisimula ng Brigada Eskwela na may temang βSama-Sama Para sa Bayang Bumabasa.β π
Kasama ang aming masigasig na punong g**o, Dr. Ana T. Intia Basig , mga g**o, magulang, barangay officials, alumni, at iba pang stakeholders, sama-sama nating isinulong ang bayanihan para sa mas maayos, ligtas, at handang paaralan para sa lahat ng mag-aaral!
Maraming salamat po sa inyong suporta! πͺ
Maraming maraming salamat po sa inyo. β€οΈβ€οΈβ€οΈ
22/05/2025
Bilang mga kapwa mag-aaral, sobrang proud kami sa'yo, Kuya John Philip Evangelista, sa pagkamit mo ng 3rd Runner-Up sa National Festival of Talents (NFOT) sa Extension Cord Making with Switch Assembly!
Dahil sa husay mo, naiangat mo ang pangalan ng MRSMES, Puerto Princesa, at buong MIMAROPA!
Congrats din po kina Maβam Rowena T. Flores at Dr. Ana T. Intia Basig sa walang sawang paggabay.
Ikaw ay tunay na inspirasyon sa aming lahat!
'Yo
ISANG MALAKAS NA PALAKPAKAN PARA SA ATING PRINCIPAL IV!
Mula sa Supreme Elementary Learner Government (SELG) sa pamumuno ni SELG President Prince Rehan C. Ansaruddin at sa lahat ng mag-aaral ng MRSMES, isang taos-pusong pagbati at pagpupugay sa aming mahal na punongg**o, Dr. Ana T. Intia Basig, sa kanyang promosyon mula Principal III patungong Principal IV!
Ang iyong malasakit, sipag, at tapat na paglilingkod sa paaralan ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa bawat Maurician. Sa ilalim ng iyong pamumuno, lalong tumitibay at umaangat ang MRSMES!
Kami po ay lubos na nagpapasalamat at proud na proud na kayo ang aming pinuno. Mabuhay po kayo at muli, maligayang pagbati, Dr. Ana T. Intia Basig!
Lubos pong nagpapasalamat ang mga mag-aaral ng Mauricio Reynoso Sr. Memorial Elementary School at mga SELG officers sa pangunguna ni SELG President Prince Rehan Ansaruddin sa TOWFIL at PML99 sa pagkakaloob ng sports equipment para sa mga mag-aaral ng aming paaralan. Malaki po ang maitutulong ng mga kagamitang ito sa aming mga mag-aaral, ito'y aming magagamit bilang paghahanda sa mga nalalapit na palaro ng aming paaralan.
Maraming maraming salamat po at naway pagpalain pa kayo ng Maykapal upang marami pa kayong batang matulungan!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Bancao-bancao
Puerto Princesa
5300