07/10/2026
PESO BALITA | TUPAD Eco-Bricks Library, Malapit Nang Matapos!
Malapit nang makumpleto ang Eco-Bricks Library sa Mandaragat Elementary Schoolβisang proyektong nabuo mula sa sipag, pagtutulungan, at malasakit sa komunidad.
Ang mga eco-bricks na ginamit sa proyekto ay ginawa ng mga dating TUPAD beneficiaries, na sa pamamagitan ng kanilang trabaho ay nakapag-iwan ng isang bagay na patuloy na mapapakinabangan ng mga mag-aaral.
Ngayon, ang kasalukuyang TUPAD beneficiaries naman ang patuloy na gumagawa upang maisakatuparan at matapos ang library bilang bahagi ng kanilang 60-day work period.
Isinasagawa ang proyekto sa pagtutulungan ng DOLE-Palawan, Barangay Mandaragat, Maia Earth Foundation, Mandaragat Elementary School, at City PESO bilang monitoring at implementing agency partner.
Mula sa mga eco-bricks na dating ginawa ng TUPAD workers, ngayon ay nabubuo ang isang library na maaaring maging lugar ng pagkatuto, pagbabasa, at pangarap para sa mga batang mag-aaral.
Isang magandang patunay na ang trabaho ay hindi lamang tungkol sa kinikita. Maaari rin itong maging daan upang makapag-iwan ng magandang bagay para sa komunidad. π