15/04/2024
Manalo ES School Based Feeding Program.
Ang pamunuan ng Manalo Elementary School sa pangunguna ng aming Punong-guro Ma. Elena F. Favila ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang na patuloy na sumusuporta sa kanilang mga anak, at tumutulong sa paaralan at sa anumang mga programa na ipinapatupad nito. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong lahat sa inyong suporta at tulong sa ating school based feeding program mula sa DepEd at sa ibang pribadong ahensiya tulad ng Convoy of Hope. Hindi namin kayang bayaran ng anumang halaga ang inyong pagmamahal sa inyong mga anak at suporta sa ating paaralan. Lubos din po kaming nagpapasalamat sa mga taong naging bahagi ng programang ito. Tanggapin n'yo po ang aming walang sawang pasasalamat. Maraming maraming salamat sa inyong lahat.