16/09/2026
Alhamdulillah! 🤲 Ang mga ngiti ng ating mga bagong halal na MP mula sa UBJP-MILF ay hindi lamang pagdiriwang ng isang halalan, kundi pagsisimula ng isang bagong yugto para sa Bangsamoro.
Ang sandaling ito ay bahagi ng mahabang kasaysayan ng panalangin, pakikibaka, sakripisyo at pagsusumikap ng ating mga Mujahidin, Ulama at buong Bangsamoro.
Sa gitna ng ating kagalakan, huwag nating kalimutan ang mga pamilyang nagdadalamhati at ang lahat ng buhay na nawala sa mahabang panahon ng tunggalian. Nawa’y maging makabuluhan ang bawat sakripisyo sa pamamagitan ng kapayapaan, pagkakaisa, katarungan at magandang kinabukasan para sa ating mga anak, apo at mga susunod na henerasyon.
Mubarak sa ating lahat!
Nawa’y gabayan ng Allah ang ating mga bagong halal na MP sa pagtupad ng kanilang amanah para sa kapakanan ng buong Bangsamoro.
Alhamdulillah for this historic new chapter of the Bangsamoro. 🤲☝️
—Dr. NKM