25/07/2026
⚠️PAALALA: Mag-ingat sa mga scammer na nagpapanggap na kinatawan ng DepEd Central Office at ginagamit ang pangalan ng matataas na opisyal upang manghingi ng pera.
Tandaan, hindi humihingi ng pera o GCash ang DepEd para sa anumang kaso. Sumangguni agad sa inyong Schools Division Office o kinauukulang tanggapan para i-verify ang anumang kahina-hinalang mensahe o tawag.
Manatiling mapagmatyag. Huwag magpaloko sa mga scammer.