06/06/2026
بسم الله الرحمن الرحيم
Late Upload | Qurban at 1st Recognition Day ng Indalawan Darul Tarbiyah
Alhamdulillah, sa ikatlong araw ng Eid al-Adha ay naisagawa rin ang ating Qurban kasabay ng pagdaraos ng 1st Recognition Day ng Indalawan Darul Tarbiyah.
Nahati ang mga asatiz at mga estudyante sa iba’t ibang gawain sa araw na iyon. May mga tumulong sa paglilinis ng lugar, pagdekorasyon, paghahanda at pagluluto ng pagkain, pag-aasikaso sa mga bisita, at sa pagsasagawa ng Qurban.
Sa kabila ng maraming gawain, naging maayos at matagumpay ang buong programa. Alhamdulillah, naging maganda ang kinalabasan ng lahat dahil sa pagtutulungan at sakripisyo ng bawat isa.
Nakakatuwang makita ang iba’t ibang paraan ng paglilinis at paghahanda ng balat ng kambing pagkatapos ng Qurban. MashaAllah, tunay na iba-iba ang kaalaman at karanasan ng bawat isa, kahit sa mga simpleng gawain. Patunay ito na marami tayong natututuhan sa isa’t isa kapag tayo ay nagtutulungan.
Alhamdulillah ala kulli hal. Nawa’y tanggapin ng Allah .
ang ating mga pagsisikap, Qurban, at mga mabubuting gawain.
✍️MLH
Indalawan Darul Tarbiyah
03/06/2026
بِسْمِ ٱللّٰهِ ٱلرَّحْمٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Part 1.
Batch 2026 First Rehla ng Indalawan Darul
Tarbiyah
Alhamdulillah, tayo ay lubos na nagpapasalamat kay Allah Subhanahu wa Ta'ala sa pagkakataong makapagdaos ng Unang Rehla ng Indalawan Darul Tarbiyah.
Nawa'y maging daan ang pagtitipong ito upang lalo nating mapalalim ang ating pananampalataya, mapalawak ang ating kaalaman, at mapatatag ang samahan ng bawat isa.
Indalawan Darul Tarbiyah
30/05/2026
بِسْمِ ٱللّٰهِ ٱلرَّحْمٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Alhamdulillah
Alhamdulillah, matagumpay at naging maayos ang kauna-unahang Recognition Day ng Indalawan Darul Tarbiyah.
Pagpupuri at pasasalamat sa Allah SWT sa Kanyang gabay, biyaya, at tulong upang maging matagumpay ang espesyal na araw na ito. Nawa’y tanggapin Niya ang lahat ng pagsisikap ng mga Ustadh, Ustadhah, mga magulang, at mga mag-aaral.
MashaAllah, nasaksihan natin ang bunga ng ilang linggong pag-aaral, pagsisikap, at pagtitiyaga ng ating mga munting mag-aaral. Nawa’y patuloy silang pagkalooban ni Allah ng dagdag na kaalaman, mabuting asal, at matatag na pananampalataya.
Jazakumullahu khayran sa lahat ng sumuporta at tumulong upang maisakatuparan ang unang Recognition Day ng Indalawan Darul Tarbiyah.
-Wallahu’Alam
✍️MLH
Indalawan Darul Tarbiyah
29/05/2026
﷽
May 30 2026
9Am
Tomorrow marks the 1st Recognition Day of our beloved students at Indalawan Darul Tarbiyah. Alhamdulillah, after weeks of learning, patience, and dedication, we are finally preparing for this special day.
May Allah SWT bless this event and make it successful, peaceful, and full of barakah. May He continue to increase the knowledge, good manners, and iman of every student.
Shukran to all the Usthad and Usthada, parents, and everyone who supported this small journey of seeking Islamic knowledge.
“Rabbi zidna ‘ilma”
(My Lord, increase our knowledge.) 🤍
Bismillah for tomorrow’s preparation.
May everything go smoothly, In Shaa Allah.
Tagalog———
Bukas na ang unang Recognition Day ng ating mga minamahal na mag-aaral sa Indalawan Darul Tarbiyah. Alhamdulillah, matapos ang mga linggo ng pag-aaral, pagtitiis, at pagsisikap, narito na tayo sa espesyal na araw na ito.
Nawa’y pagpalain ng Allah SWT ang ating programa at gawin itong matagumpay, payapa, at puno ng barakah. Nawa’y lalo pa Niyang dagdagan ang kaalaman, mabuting asal, at iman ng bawat mag-aaral.
Shukran sa lahat ng Usthad at Usthada, mga magulang, at sa lahat ng sumusuporta sa munting paglalakbay na ito sa paghahanap ng kaalamang Islamiko.
“Rabbi zidna ‘ilma”
“Panginoon ko, dagdagan Mo pa ang aming kaalaman.” 🤍
Bismillah sa paghahanda para bukas.
Nawa’y maging maayos at matagumpay ang lahat, In Shaa Allah.
-Wallahu’Alam
✍️MLH
Indalawan Darul Tarbiyah
📍Indalawan Elementary School
PS:Iniimbitahan po namin kayong lahat ng makadalo sa aming munting programa.
24/05/2026
﷽
Ika-13th week na ng ating pagtuturo sa İndalawan Darul Tarbiyah.
Alhamdulillah, ngayong linggo ay naganap ang unang pagsusulit sa ating munting bahay ng kaalaman. Sa tulong at awa ni Allah , naging maayos at matagumpay ang pagsusulit, at tunay na nagbunga ang ilang linggong pagsisikap sa pagtuturo at pag-aaral.
Sa mga nakaraang linggo, marami nang natutunan ang ating mga mag-aaral tulad ng:
• Pagkilala at pagbasa ng mga titik Hijaiyah
• Tamang pagbigkas at makhraj ng mga letra
• Pagbabasa ng Qaidah nang paunti-unti
• Mga pangunahing du’a at adhkar
• Wudhu at wastong pagsasagawa ng salah
• Pagpapahalaga sa magandang asal at disiplina bilang batang Muslim
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga ustadh at ustadha na patuloy na nagsisikap at nagbibigay ng kanilang oras at kaalaman para sa kapakanan ng mga bata.
Patuloy po nating ipanalangin na pagpalain ni Allah ang ating munting paaralan at dagdagan pa ang kaalaman ng bawat mag-aaral. Ameen.
-Wallahu’Alam
✍️MLH
Indalawan Darul Tarbiyah
19/05/2026
﷽
12th Week of Teaching at Darul Tarbiyah
Alhamdulillah, panibagong linggo na naman ng pag-aaral at pagtuturo ang ating pinagsasaluhan sa Darul Tarbiyah. Sa ika-labing dalawang linggo ng ating paglalakbay, patuloy nating nasasaksihan ang sipag at pagsisikap ng mga bata sa kanilang pag-aaral ng Qaidah, hakbang-hakbang tungo sa mas malalim na pag-unawa sa Qur’an.
Sa bawat pahinang kanilang binabasa, sa bawat titik na kanilang inuunawa, naroon ang pag-asa na sila’y maging ilaw ng kanilang pamilya at komunidad balang araw.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga ustad na patuloy na nagfi-fikr at nagsasakripisyo ng oras at pagod para sa kapakanan ng mga mag-aaral. Kahit marami mang responsibilidad at pinagkakaabalahan, hindi pa rin nawawala ang dedikasyon nilang magturo at maglingkod para sa Deen.
Gayundin sa mga ustad na wala man sa madrassa, ngunit patuloy ang malasakit at fikr upang masuportahan ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante. Tunay na ang bawat tulong, du’a, at sakripisyo ay malaking bahagi ng pagpapatuloy ng adhikaing ito.
Unti-unting umuusbong ang kaalaman,
Sa puso ng batang may dalang pag-asa.
Bawat aral ay parang ilaw sa dilim,
Na gagabay sa kanila tungo sa kabutihan.
Sa tahimik na silid ng madrassa,
Naririnig ang mga tinig na bumibigkas.
Mga pangarap na sinisimulan sa Qaidah,
Na balang araw ay mamumunga ng hidayah.
Nawa’y patuloy tayong bigyan ni Allah ng lakas, sabr, at hidayah upang maipagpatuloy ang magandang adhikain para sa mga bata at sa ating mga kapatid na katutubong Molbog.
-Wallahu’Alam
✍️MLH
Indalawan Darul Tarbiyah