11/01/2024
"Hiwaga ng Buhay"
-Rana Makata-
Sa madilim na nakaraan, puso'y sugatan
Sa sakit, hinagpis at pangungulilang nararamdaman
Tila hindi makakaahon sa bangungot na pinagdaanan
Napapatanong na lamang bakit ko ito nararanasan
Ngunit sa kabila ng sakit at lungko't pag-asa'y nahanap
Sa pag-ikot ng oras tinik sa dibdib ay hinaharap
Dahil may melagro, himala'y saya ay malalasap
Sa madilim na buhay, bukas ay may liwanag na mahanap
Ang lungkot ng kahapo'y ngayo'y may mukha ng kasiyahan
Lahat ng hinagpis, hinanakit at luha'y nahibsan
Kaya buhay ngayo'y tiyak isang talang kumikislap
Sa mga pangarap na tinatahak at pilit na tinutupad
Mga pangarap na tulad ng karagatang di-madukwang lalakbayin kahit ano mang hirap ang mapagdadaanan
Yayakapin ang bukas, lalo't mga pangarap na inaasam
Sa pagyakap sa pagbabago ng buhay lahat makakamtan
Sa bangungot ng kahapon, bukas ay may liwanag
Tulay sa bagong kabanata ng puno ng kasiyaha't galak
Tunay ngang sa kabila ng pait ng buhay, ay may hiwaga
Hiwaga, pagkat sikat ng pag-asa'y nananatili
10/01/2024
"Those who prepared will not fail"
Ang mga taong naghanda ay hindi mabibigo!, Sa ano mang laban sa buhay para sa hinaharap kapag pinaghandaan mo ang laban o karera na iyon walang duda at siguradong panalo ka.✨
14/04/2022
"Ang pagsusulat ay pakikibaka laban sa katahimikan"
Carlos Fuentes
13/09/2021
Magtiwala at itiwila lahat kay Papa God🥰😇
11/09/2021
Habang nasa tabi mo pa ang nanay/mama/mommy mo ipakita mong mahal na mahal mo sila, na pinapahalagahan mo sila, habang buhay pa sila suklian na ang mga sakripisyong ibinigay nila. Sa simpleng yakap, halik at malambing na mga sulat nakakapawi na ng lungkot at hirap😊❣️
_Ranalyn_
03/06/2021
NAKAKAPAGOD DIN PALANG MAGKUNWARING OKY LANG!
03/06/2021
“PANGUNGULILA”
(Monologue)
Ni: Villanueva Ranalyn D.
Ma? Ma? Ma…!!!
Mahal na mahal po kita!
Ma? bakit po walang sagot?
Diba dapat ang sagot mo “mahal na mahal din kita anak”
Mga linyang lagi kung naririnig na ngayo’y diko na marinig!
Mama, papasok na po ako,
Teka! Teka! Papasok kang walang suklay halika dito’t talian kita!
Akala ko totoo na, akala ko bumalik ka!
Isang panaginip lang pala
Ako nga pala si ranalyn isang anak na nalulungko’t nangungulila
Nalulungkot dahil wala na ang taong laging nagbibigay ng kanyang suporta
Taong laging umaalalay, at gumagabay sa
Anumang hamon sa buhay
Sobrang hirap, at napakahirap sa totoo lang sa sitwasyong ganito
Iyon wala ng gigising sa akin, sa amin para kami makakain,
wala ng mag-iingay tuwing umaga upang kami'y magising
at higit sa lahat wala ng mag-aaruga sa amin at sa ama namin
Hindi ko na alam noon kung sino at ano ang uunahin ko
Pag-aaral o ang mga kapatid ko kung saan kailangan nila ako
Mas pinili kong malayo sa kanila dahil ang pinili ko ay para naman sa kanila
Kinaya ko at kayang-kaya ko para sa mga kapatid ko at kay papa
Ngunit ma, pinanghihinaan din ako ng loob sa tuwing naaalala ka!
Hindi ko alam, hindi ko maintindihan!
Siguro dahil hindi ko pa lubos nakalimutan ang sakit na naramdaman
Sinasabi ng iba, oky lang yan laban lang, matapang ka diba?
Oo, masasabing kong matapang ako, pero sa mga oras na mag-isa ako!
Naaalala ko lang ang mga harutan, tawanan at kwentuhan nating hindi na maibabalik!
Lalo na ang lambingan nati’t asaran noon!
Ito na naman ako ngayon inaalala ka, kung gaano sayo humahanga,
Ipagmamalaki ka sa lahat dahil ika’y isang dakila at hindi maikukumparang ina!
Tunay ka naming minamahal, at nang mga taong kilala ka!
Ngunit bakit ang aga, ang aga mong umalis
Ang isang masayang pamilya noon, ngayo’y nabahiran ng pait at lungkot
Pinipilit kung maging masaya sa harap ng camera o sa harap nila,
Ngunit sobrang sikip at bigat sa dibdib
Kung hindi mapaagos ang luhang napakainit
Mga luhang lubos na nangungulila, nangungulila sa pagmamahal at pag-aaruga
Namulat ako sa katotohanang wala ka na nga pala!
Kaya pala sobrang sakit na!
Hindi ko na alam, hindi ko narin matandaan…
Kung kailan ang huling beses kong pag-iyak
Apat na taon ng nakalipas, ngunit bakit ang sakit parin
Bakit ang sariwa parin,
Ang hirap at ang tagal makalimut!
Sa isang madilim na kahapon
Heto na naman ako iiyak na naman
Dahil sa bawat dagdag ng taon, nangungulila na ako sa inyong presensiya
Na sana bumalik ka, na sana magpakita ka kahit isang araw lang o kahit saglit lang
Mayakap at mahagkan ka man lang muli
Alam ko din naman sa sarili ko na hinding-hindi na mangyayari ang bagay na iyon
Siguro, oo! Mangyayari sa panaginip,
Kaya minsan parang ayaw kong gumising kapag ikaw ang laman
Dahil sa mga sandaling iyon nais kang makakwentuhan
Kung gaano ako kalungkot at kasaya
Malungkot dahil sa iyo’y nangungulila
Masaya dahil sa taong sa akin ay nagmamahal at nagsusupurta
Tinutulungan ako sa mga pangarap ko na noon ay gusto mo!
Heto na naman po ako oh!
Nag-iisa, malungkot, walang kasama at walang kausap
At ako ay lubos na natatakot sa katotohanang lahat nang-iiwan
Na ang buhay ay walang pang walang hanggan,
Kung saan ang lahat may katapusan
Kung saan lahat magpapaalam
Kung saan lahat matutulog ng lubusan
At kung saan ang lahat pwede kang iwan!!!
-RANALYN-