18/06/2026
📢 2ND QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL 2026 🏫🚨
Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Hunyo 18, 2026, ang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ng Puerto Galera National High School – Dulangan Extension.
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan bilang paghahanda sa anumang posibleng lindol. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “Duck, Cover, and Hold” procedure, naipakita ng bawat isa ang kahandaan, disiplina, at tamang pagtugon sa panahon ng sakuna.
Layunin ng earthquake drill na mapalakas ang kamalayan ng buong komunidad ng paaralan tungkol sa kahalagahan ng pagiging handa, maagap, at ligtas sa oras ng kalamidad.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa upang maging matagumpay ang gawaing ito. Patuloy nating isabuhay ang “Be Prepared, Be Aware, Be Safe!” 💚
ďż˝ ďż˝