27/08/2026
Leadership Begins Within
The Role of Young Leaders in Building Responsible Communities
Mr. Mikko P. Villanueva | Student LEAD 2026
“Leadership doesn’t start on stage. It starts in the mirror.”
Sa usapin ng pamumuno, ipinaalala ni Mr. Mikko P. Villanueva na bago natin matutunang pamunuan ang iba, kailangan muna nating kilalanin at pamahalaan ang ating sarili. Hindi sapat ang pagiging mahusay magsalita o ang pagkakaroon ng posisyon—ang tunay na leadership ay nagsisimula sa kung sino tayo kapag walang nakakakita.
“Hindi ka makakapag-lead nang maayos kung gulo ka sa loob.”
Binigyang-diin din niya na ang kahinaan ay hindi dapat ikahiya. Sa halip, ito ay isang area for growth. Ang pagiging isang mabuting lider ay hindi nangangahulugang palaging tama, malakas, o handa. Minsan, nangangahulugan itong marunong tayong umamin, matuto, at magsimulang muli.
Sa pakikitungo naman sa iba, mahalagang maunawaan na magkakaiba ang paraan ng pagtanggap ng bawat tao ng care at love—maaaring sa words of affirmation, acts of service, appropriate physical touch, quality time, o gifts. Bilang mga kabataang lider, mahalagang hindi tayo basta nag-a-assume; kailangan nating matutong makinig at umunawa.
At kapag dumating ang conflict o pressure, isang paalala ang tumatak:
“Fast emotions, slow decisions.”
Huwag maging drama. Huminto muna bago mag-react. Dahil ang isang self-aware leader ay hindi basta sumusunod sa emosyon; marunong siyang mag-isip bago gumawa ng desisyon.
Ipinapaalala rin ni Mr. Villanueva na ang growth is practice, not a one-time decision. Araw-araw ay may pagkakataon tayong gumawa ng maliliit na hakbang tungo sa mas mabuting bersyon ng ating sarili.
Minsan, pareho lamang ang sitwasyon ngunit nag-iiba ang resulta dahil nagbago ang tanong na ating itinatanong. “Same situation, different question.” At kapag nagbago ang tanong, maaaring magbago rin ang paraan natin ng pamumuno.
Sa huli, naiwan sa mga batang lider ang isang simpleng ngunit makapangyarihang mantra:
“I can. I will. We will.”
Dahil ang leadership ay hindi lamang tungkol sa pagtuturo. Leadership is caught, not just taught. Nakikita ito sa ating mga kilos, desisyon, pakikitungo, at sa paraan ng ating pamumuhay.
At marahil, ito ang pinakamahalagang paalala: Just enjoy being young. Mangarap. Matuto. Magkamali. Bumangon. Dahil ang pagiging batang lider ay hindi kailangang maging perpekto—kailangan lamang itong maging totoo, responsable, at handang lumago.
Know yourself. Grow every day. Lead with grace, not guilt.
📸 Presentacion Youth Development Office