06/08/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐!๐ต๐ญ
Sa bawat paglipas ng panahon, may mga bagong imbensyon ang umuusbong.
Sa bawat paggamit ng teknolohiya kabilang ang ๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฅ ๐๐ง๐ญ๐๐ฅ๐ฅ๐ข๐ ๐๐ง๐๐ (๐๐ฅ), mas napapadali ang paghahanap ng impormasyon at, sa bawat salitang ating binibigkas ay nabubuhay ang ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Kayaโt sa panahon ng makabagong teknolohiya at pag-usbong ng Artificial Intelligence (Al), mas napapalawak ang ating kaalaman at pagkatuto.
Ngayong ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐ ๐๐๐๐, ating ipagdiwang ang lakas ng wikang Filipino bilang daluyan ng karunungan, pagkakaisa, at gabay sa pag-unlad sa makabagong panahon. Palagi ring tatandaan na walang masama sa paggamit ng mga makabagong inobasyon, bastaโt alam mo ang wastong gamit at ang iyong limitasyon.
Sa temang โ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐: ๐๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง,โ ating kinikilala ang mahalagang ugnayan ng ating sariling wika at ng makabagong teknolohiya. Ipinapaalala nito na ang Artificial Intelligence ay hindi kapalit ng talino at pagkamalikhain ng tao, bagkus isang magandang kasangkapang maaaring gamitin nino man upang mas higit pang mapalawak ang pananaliksik, mapadali ang pagkatuto, at upang mapabilis ang daloy ng bawat impormasyon habang patuloy nating pinahahalagahan at pinagyayaman ang ating sariling wikang pambansa.
Kaisa sa adhikaing ito, ang The Green Hills at ang Lundayan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Sama-sama nating itaguyod ang wikang Filipino bilang wika ng karunungan, inobasyon, at pagkakaisa. Sa wastong paggamit ng teknolohiya at sa patuloy na pagmamahal sa ating sariling wika, nagiging mas matatag ang ating pagkakakilanlan at mas maliwanag ang ating kinabukasan, dahil hindi naging hadlang ang Artificial Intelligence sa pagkilala sa ating sariling kakayahan; sa halip, naging katuwang ito sa higit pang paglinang ng ating angking kagalingan.
๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ง๐. ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐๐ง๐๐๐ญ๐. ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ค๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ ๐, ๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐ค๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐๐ง๐ puno ng pag-asa