30/08/2022
Maligayang Araw ng Buwan ng Wika, PNHSians
Tema: "Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha"
Ngayong Agosto, ating ipinagdiriwang ang selebrasyon ng Buwan ng Wika. Tayo, bilang mga Pilipino, ay nakikiisa sa araw na ito upang parangalan ang ating wika at mga katutubo. Ang wikang Filipino ay isang mahalagang hiyas ng ating bansa kaya't nararapat lamang na ipagmalaki at isaboses natin ito saan man dako ng mundo tayo makarating.
Ang karunungang natatamo natin ngayon mula sa ating wika ay mahalagang susi na kakailanganin natin para sa kinabukasan ng ating Pilipinas. Nararapat lamang na ilaan natin ang araw na ito upang pagnilayan at ipagdiwang ang makabuluhang selebrasyon para sa ating lahat na mga Pilipino.
Panatilihin nating buhay ang pagmamahal at pagkilala natin sa wikang mayroon tayo. Muli, isang Maligayang Araw ng Buwan ng Wika sa ating lahat!