02/09/2023
Ang pagdiriwang ng Pista ay nagpapakita ng pagiging magaling at malikhain ng mga Pilipino. Ang Pista sa Nayon ay isang napakagandang ekspresyon ng mga maipagmamalaki nating kultura at mga tradisyon ng mga lokal na Pilipino. Sa diwa ng pamayanan at tunay na mabuting pakikitungo ng mga Pilipino, ang Pista ay nagpapaabot-kamay ng pakikipagkaibigan at masiyang pagtanggap sa ating mga kapit-bahay sa atin mang rehiyon at sa iba pa para maipadama at maipakita ang ating pagka-Pilipino. Ang Pista ay isang pagdiriwang na naglalayong maigunita ang kulturang Pilipino na sβyang binibigyang pagkakataon ang pagsasama-sama at pagiging isa ng mga mamamayan. Ating tunghayan at bigyan ng masigabong palakpakan, mula sa departamento ng BSED, Pista sa Nayon!
BSED MODERN FOLKDANCE CHAMPION π π