06/09/2026
Ako si Justine Tejero, Isang batang mahilig mangarap at magisip ng malalim. Mahilig akong gumuhit ng kung ano-ano at naiiisip ko ito sa pamamagitan ng imahinasyon.
Ang uri ng artworks na aking ginagawa ay drawing, at gumawa ng mga bagay na aking naiiisip.
Nagsimula akong gumawa ng mga artworks noong elementary pa lamang ako at nakitaan ko na ang aking sarili sa pagguguhit. Hanggang ngayung lumaki na ako ay ginagalingan ko at pinapaimprove lalo ang aking pagguguhit.
Para sa akin, ang sining ay Isang wika para sa akin. Ang wika ay Hindi lahat ng nararamdaman ay kayang sabihin ng bibig. Pinapakita ito sa art Kong saan naipapakita ang nararamdaman, saya,takot at pagasa.
Ang sining kung saan maipapakita ko kung ano ang nais kong sabihin at iparating.
Ang maipapayo ko sa mga kagaya ko ay huwag kayong matakot sa inyong pagkakamali halimbawa sa isang contest. At higit sa lahat Huwag ikumpara yung mga gawa natin sa iba. Meron tayong mga kanya kanyang style ng pagguguhit. Kaya dapat tayong makuntinto at magtiwala sa ating sarili.
- Justine Tejero
Artist 🖼️
ARKO VISUAL ARTS CLUB🎨🖌
Layout by: Hannah Pagaran