26/10/2023
BAKA namn Mag FOLLOW na yung Hindi Pa!
Promoting Quality Education for All: A child Friendly School
26/10/2023
BAKA namn Mag FOLLOW na yung Hindi Pa!
31/07/2022
"TUGON SA HAMON NG
LIGTAS NA BALIK-ARAL"
23/07/2022
đ« đ« Balesin Elementary School đ«đ«
17/07/2022
02/07/2022
ăMăăEăăNăăSăăAăăHăăEă
Sa lahat ng magsisipagtapos, magulangin, mga g**o at kawani ng mga paaralan, taos-pusong pasasalamat at pagbati ang aking ipinaabot sa lahat!
Kumusta po kayo?
Mahigit na dalawang taon na rin ang nakalipas mula nang hagupitin tayo ng pandemya! Naapektuhan ang ating mobilidad sa labas ng tahanan, maraming buhay ang binawi at nalugpo ang ilang kabuhayan. Napilitan tayong pansamantalang sarhan ang tarangkaran ng ating mga paaralan. Ngunit sa kasalukuyan, dahan-dahan na tayong nagsisimula para sa muli nating pagbangon sa krisis na ating naranasan.
Maraming bagay ang hindi na natin maibabalik, tulad ng mga araw na lumipas, mga pagtitipong kasama ang mga kamag-anak na di-nadaluhan, mga kaibigang dapat makasama subalit hindi napagbigyan. Mga tagpong nakapanghihinayang ngunit magkaganoon man ay dapat yakapin at tanggapin. Subalit, bakit dapat tayong magalak? Sa pamamagitan ng ating mga panghihinayang, marami pa ring bagay ang ating naisakatuparan, at natutuan at mga pananabik na lalong pinatindi ng pag-ibig. Ganyan din ang sitwasyong ating kinanalalagyan sa ngayon. Bagamaât mahirap malaman ang tunay na kalooban ng Diyos sa gitna ng mga pagsubok, isa lang ang dapat nating panghawakan, lahat ay kayang lampasan kung may tiyaga at tiwala sa Maylikha.
Pangarap, ano nga ba ang nais ninyong marating sa hinaharap? Panghawakan ninyo ang inyong pangarap habang inaalaala ang sakripisyo ng inyong mga magulang at tagapagtaguyod. Gawin ninyo itong inspirasyon na tulad ng lamparang tumatanglaw sa dilim. Tiyak na hindi sigurado ang bukas. Wala naman talagang sigurado. Nakalipas na ang kahapon at hindi na maibabalik pa. Ang tangi nating mapanghahawakan ay ang ngayon; ang kasalukuyan ay regalong nasa ating mga kamay. Ngayon ka magsikap, ngayon ka kumilos. Kung nababagabag ka sa hakbanging tatahakin, pagdaupin ang mga palad sa panalangin, at huwag sukuan ang iyong mga pangarap.
Mga mahal kong magsisipagtapos, kayo ang guguhit ng inyong kapalaran kaya pag-ibayuhin pa ang lakas ng loob at sipag. Bukod sa kaalamang natamasa ninyo sa mga libro at kagamitang pampagkatuto na ipinunla sa inyong mga isip, laging isadiwa ang pagiging maka-Diyos, makatao, makakalikasan, at makabansa. Ang mundo ay para sa inyo at para sa lahat. Isama ninyo sa inyong mga hangarin ang mapabuti ang inyong lipunang ginagalawan upang sa gayon ay maging mas maunlad ito at pakinabangan pa ng susunod na henerasyon. Kaya mong maging sinoman na iyong naisin bastaât pag-ibayuhin pa ang sipag sa pag-aaral. Gamitin sa tama ang kaalaman. Maging matapat sa lahat ng oras, at igalang ang mga taong nakakadaupang-palad dahil ang respeto ay kusang bumabalik sa marunong magbigay nito.
Pagsubokâkayapos na ito ng buhay natin, katulad ng isang mangangasong pinatipuno ng marahas na kagubatan, o pinatibay ng pabago-bagong panahon. Wala kang sibat o sundang, ngunit handa sa mabangis na tigreng nakaabang. Hindi ka balot ng takot sapagkat napagtagumpayan mo na ang iyong sarili, kasama ng mga taong nasa iyong tabi. Nariyan ang iyong pamilya at mga kaibigang masasandalan. Nawaây hindi mawala sa listahan ng dapat mong pasalamatan ang iyong mga g**o, na walang sawang gumabay at nagturo sa iyo ng mga araling minsaây kayhirap unawain. Napapagod o napupuyat man, hindi ka nila kailanman nagawang sukuan. Higit sa lahat, kung sumapit man ang oras na ikaây malugmok sa kumunoy ng kawalang-pag-asa, wala kang pangamba dahil alam mong kakayanin mo ang lahat ng ibibigay Niya.
Kahirapan ng buhay, layo ng silid-aralan mula sa maliit mong tahanan, kasalatan sa makabagong teknolohiya, kumakalam na sikmura, unipormeng pinamana ni ate o kuya, mga bagay na tila hindi mo makuhaânakalulungkot isiping hamon pa rin ang mga karanasang ito sa paglipas ng mga taon. Tila kamay ng orasang paikot-ikot lamang ang direksyon. Ganunpaman, walang makahahadlang sa pusong pinag-alab ng katatagan at inspirasyon. Kaya naman sa huli, masasabi ninyo sa inyong sarili: sintamis pala ng pulot ang tagumpay, at di- hamak na mas matamis kung ibinahagi sa mahal sa buhay!
Maging katulad ng punong Mulawin, matatag sa mga hamon ng panahon. Hindi natitinag sapagkat matibay ang ugatâang inyong mga pangarap. Gayundin, taglayin ang katangian ng matatayog na Kawayan; tumutungo, sumabay sa hampas ng hangin o bagyo. Ang pag-angkop sa pabago-bagong sitwasyon ay isang makabagong kakayahang dapat ninyong linangin sa inyong paglago at paghayo. At anoman ang marating, huwag makalilimutang yumuko sa pagpapakumbaba, at lumuhod nang nagpupuri sa Amang Lumikha.
O kumusta? Kakayahin ba?
Opo, kayang-kaya! Dahil kayo ay mga Gradweyt ng K-12: Masipag sa mga Pangarap at Matatag sa mga Pagsubok. Baunin ninyo sa inyong paglalakbay ang mabubuting aral na itinuro ng Inang Paaralan. Marami ang naniniwala sa kaya ninyong ibigay sa mundo. Hangad ko ang inyong tagumpay simula ngayon.
Padayon!
ELIAS A. ALICAYA, JR.
OIC-Tagapamanihala ng mga Paaralan
Dibisyon ng Quezon
02/07/2022
Balesin Elementary School
"Ligtas at Maka-masa na Balik-Eskwela para sa lahat ng Mag-aaral"
18/05/2022
Part of my journey. In your dreams I am always with you.
Grade 6 2020-2021
12/05/2022
11/05/2022
https://www.facebook.com/267039953498122/posts/2014774888724611/
ABANGAN! CALABARZON, samahan niyo kami bukas, May 11 sa Episode 8 ng DepEd 4A For You Season 2 kung saan tatalakayin natin ang paksang 'BERF & E-Saliksik'.
Samahan sina Regional Director Francis Cesar Bringas, Assistant Regional Director Cherrylou Repia, at mga inimbitahang panauhin mula sa SDO Antipolo at SDO Cavite Province na magbabahagi ng kanilang kaalaman patungkol sa BERF at E-Saliksik.
Mapapanood bukas, Miyerkules, 9:30 am dito sa DepEd R-4A Calabarzon, DepEd Tayo Calabarzon, at SDO DepEd Tayo FB pages.
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
| Saturday | 8am - 5pm |