02/09/2026
SES UPDATES: SIBULAN ELEMENTARY SCHOOL | ANTI-BULLYING POLICY ORIENTATION 📣
“Say NO to Bullying! Let us choose RESPECT, KINDNESS, INCLUSION, SAFETY, and ACCOUNTABILITY.” 🤝✨
Isang makabuluhang Anti-Bullying Policy Orientation ang isinagawa ng Sibulan Elementary School para sa mga mag-aaral mula Ika-4 hanggang Ika-6 na Baitang, kasama ang ating mga masisipag at dedikadong g**o. Layunin ng gawaing ito na higit na mapalawak ang kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa bullying, mga epekto nito, pag-iwas dito, at ang kahalagahan ng paggalang at pagiging mabuting kaibigan sa bawat isa.
Ang gawaing ito ay pinangunahan ng ating Guidance Coordinator, Ma’am Beverly Corpin, sa pakikipagtulungan at buong suporta ng ating Punong G**o, Ma’am Ofelia Castillo, at Sir Janmark Manalastas.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng paaralan, g**o, at mga mag-aaral, patuloy nating itataguyod ang isang paaralang ligtas, inklusibo, magalang, at puno ng malasakit—kung saan ang bawat bata ay may karapatang matuto, umunlad, at maging ligtas. 🌱🏫
Sibulan ES: Where Respect Grows, Friendships Bloom, and Learning Thrives.