25/09/2026
Bayanihan sa Paaralan: Mas Malinis at Ligtas na Bukas Kasama ang TUPAD!
Isang bagong simula at mas maaliwalas na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral!
Nakiisa ang ating komunidad sa ginanap na dalawang araw na programang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) noong Setyembre 16 hanggang 17, 2026.
Ang pangunahing layunin ng gawaing ito ay maghanda ng isang malinis, ligtas, at kaaya-ayang pasilidad upang matulungan ang ating mga kabataan na makapag-aral nang may inspirasyon at kaligtasan.
Kasabay nito, layunin din ng programa na magbigay ng panandaliang pangkabuhayan at oportunidad sa ating mga local workers upang maipamalas ang bayanihan at pagmamalasakit sa ating local na paaralan.
Sa bawat walis at pintura, bakas ang pagmamahal sa edukasyon ng ating kabataan. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbuhos ng sipag!