31/07/2020
Share po Natin ang Kwento ni Sir Vincent Caceres Tungkol sa Request Nyang Bagong Basketball Fiber Glass Backboard para sa Ating Minamahal na Mt. Carmel Mula kay Cong. Mark Enverga:
Nung Una, may Lumapit saming mga Estudyante, Nagtatanong kung pwede raw mag-request ng mga pinaglumaang Basketball Rings (Rim) galing sa plaza upang ilipat sa Fiber Glass board ng Mt. Carmel School of Polillo, dahil sira na nga raw at kalawangin na.
Naghanap Kami ng lumang mga Rings at pina-welding ko para ma-repair. It turned out na hindi pala ganun ka-simple ang pagdo-donate ng lumang LGU-Property papunta sa isang private institution tulad ng Mt. Carmel.
Nakakaawa yung mga Bata kaya nilapitan ko si Engr. El Llacuna, sabi Ko sa kanya "pareng El baka pwede tyong mag-donate ng ring para sa Mt. Carmel, tig-isa Kata." Being an alumnus, agad namang nag-obliged si Pareng El-El.
Pumunta Kami ni Engr. El to check yung pagkakabitan ng Rings. Nakakalungkot pero hindi lang pala rings ang kailangan palitan. Dilapidated na yung Fiber Glass Board, at kinain na ng kalawang yung frame mismo na syang naka-welding mula sa Basketball Stand. In essence, wala na, delikado na. Delikadong yung backboard na ang makabagsak sa mga estudyante. Safety na ng mga Kabataan ang pag-uusapan dito.
Hindi na lang basta Rings ang Problema namin ngayon. Isang buong fiberglass backboard with frames na. Nagpatanong Kami kung magkano ang isang set ng heavy duty backboards sa Maynila. P14 to P20 thou per set tapos times 2 pa dahil dalawang backboard ang kailangan. Mabigat ang Presyo, hindi kaya. Backout na Kami.
Tapos isang hapon, susundo Ako sa mga bata. Wala ang mga Estudyante nasa Social Hall pala may Activity. Nainip Ako, kinuha ko yung Bola na dala ng Anak Ko, si Gatlin Recom para mag-Shooting-Shooting. Punta Ako sa Free throw line, pagtingala Ko...ayun pangalan ni Cong. Mark Enverga ang nakasulat dun sa Fiber glass board. Si Cong Mark pala ang nag-donate nung lumang backboard almost 15 years ago na. Ang Saya😍
Knowing Cong. Mark, kapag para sa kapakanan ng mga Kabataan ang pag-uusapan, Hindi na magdalawang isip yan. The Youth? They're the Future. The Hope of Our Nation. I just need to make a formal request para maipahatid sa Office ni Cong Mark.
I Talked with Sr. Gloria, MCSP School Head, and PTA President Clarinda Garcia. Gagawa Kami ng Request Letter para Kay Cong. Mark.
Ready na ang Lahat. Ok na ang request letter. Naka-Pirma na si Sr. Gloria and PTA Pres. Clarinda. That was during the 2nd Week of March. Nagulantang ang Lahat. Dumating ang NcoV na yan na naging covid later on. Na-cancel na pati ang Town
Fiesta. Yung request letter namin na ipapadala sana namin kay Cong. Mark through Konsehala Belle Abcede Correces ay nakaligtaan na. Nagsimula na ang Mahabang Lockdown.
ECQ for more than 2 months. Si Cong. Mark abalang-abala sa paghahatid ng libu-libong sako ng bigas para sa mga mamamayan ng 1st District na hindi makapag-trabaho dahil sa lockdown.
Nalimutan Ko na rin yung request namin. Gardening at pagbo-Boksing na ang pinagkaka-abalahan Ko during that ECQ period. Tapos biglang nag-GCQ. Lumuwag ng bahagya. Si Cong. Mark, tinuloy na nya ulit ang mga programa nya para sa mga magsasaka, mangingisda, mga senior citizens, at mga Kabataan. Nag-Post si Cong. Mark sa Facebook ng isang programa nila sa Infanta wherein nagdi-distribute sya ng mga Agri machineries, mga fertilizers, may buhay na Baka, mga Manok, etc. at ng mga Basketball Fiberglass Backboards para sa mga kabataan ng Infanta. Aha! Chance Ko na yun, although by a long shot lang naman. Nag message Ako kay Cong. Mark dun sa comments section about dun sa request namin for Mr. Carmel School of Polillo.
Ang Bilis, Super Responsive si Cong Mark. Within an hour sumagot sya. Tapos ayun nag-communicate na Kami ni Konsehala Belle, Mam Edith Mondragon-Haway (Super Bait) and Mam Laiza Ramos (Super Approachable), pati si Pareng Ex-Vice Loel 'insan' Santoalla.
Wala pang 2 Weeks since that exchange of electronic messages, dumating na ang Bagong-Bagong mga Fiber Glass backboards for Polillo, kasabay ang mga sari-saring Tulong para sa mga Mamamayan ng Bayan ng Polillo ❤️❤️❤️
Napakabuti, Napakagaling ni Cong. Mark, at ng mga Staff nya. Kay konsehala Ate Belle at pareng Loel, Maraming Salamat Po.
May GOD Bless You All....
Muli, Maraming Salamat Po Mula sa Carmelian Community ❤️❤️❤️❤️❤️❤️
P.S.
Kay Cong Mark na Kakambal Ko, 99 Milyon na Paligo na Lang ang Lamang Mo. Maungusan Din Kita 😆😊😁