16/07/2026
🌳🌱Plant a Tree, Nourish the Future!🌳🌱
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-52 Buwan ng Nutrisyon 2026 na may temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!",ang LGU-Polangui sa pangunguna ng Polangui Nutrition Office ay magkakaroon ng Tree Planting Activity.
Ang pagtatanim ng puno ay hindi lamang para sa kalikasan—ito rin ay pamumuhunan para sa kalusugan, kaligtasan, at kinabukasan ng ating mga anak at ng buong komunidad. Kaya, sama-sama nating ipakita na ang pagmamahal sa kalikasan ay pagmamahal din sa kalusugan ng bawat pamilya.
Tara na at makilahok sa darating na July 17, 2026! Magtanim tayo ng puno, magtanim tayo ng pag-asa, at magtanim tayo para sa susunod na henerasyon!