20/12/2025
50 ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ, 20 ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ถ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ณ๐-๐๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด '25 ๐๐ฎ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐๐ถ
Limampung (50) bata at dalawampung (20) pamilya ang nabiyayaan ng mga regalo at Noche Buena packages sa isinagawang Gift Giving 2025: โLittle Hands, Big Smiles: Christmas Gift-Giving Outreach for Childrenโ ngayong Disyembre 20, 2025 sa San Luis Chapel, Sitio San Luis, Itaran, Polangui, Albay.
Pinangunahan ng Peer Facilitators Organization (PFO), sa pakikipagtulungan ng Drug Watch Club (DWC) at Men and Womenโs Club (MenWo), ang nasabing aktibidad na naglalayong magbahagi ng saya, pag-asa, at pagmamahal sa mga batang benepisyaryo at kanilang mga pamilya ngayong Pasko.
โAng simpleng handog na ito ay simbolo ng malasakit at hangaring makapagbigay ng ngiti ngayong panahon ng Pasko," ani May Labay, Presidente ng Men and Women's Club, sa kaniyang opening remarks.
Naging masigla ang programa sa pamamagitan ng aktibidad gaya ng zumba para sa mga bata.
Habang nagaganap ang zumba, sabay na binuksan ang libreng ukay-ukay para sa mga magulang.
Sinundan ito ng mga palaro at ang pamamahagi ng regalo para sa 50 bata at food packs para sa 20 piling pamilya.
Isa sa mga tumanggap ng Noche Buena package si Leonor Viรฑas, na nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat.
โGrabe kan pasalamat namu ta kami nakauko man, kami tinawan. Nagpasalamat akong maray dahil first time kong makauko,โ aniya.
Bukod sa mga opisyal ng tatlong CBOs, naroon din sina Bb. Florence Ma. Antonette B. Kapitbahay, LPT, mula sa Office of the Guidance Counselor, at Nurse Donna Mae Concepcion at Adviser ng Drug Watch Club, upang tumulong at gumabay sa mga estudyante.
Sa pahayag ni Rafaela Borason, President ng Peer Facilitators Organization, ibinahagi niya ang kasiyahang dulot ng aktibidad.
โSuper sarap sa pakiramdam na nakapagbigay saya ulit sa mga bata. Hindi ito magiging posible kung wala ang effort ng bawat officer, miyembro, at ang suporta at gabay ng aming mga adviser,โ saad ng PFO President.
Nagpasalamat din siya sa mga nagbigay ng in-kind at monetary donations at umaasang mas marami pang bata ang mabibigyan ng tulong sa mga susunod na programa.
Ulat ni Rey John Recomendable, Managing Editor
Mga Larawang Kuha mula sa PFO, DWC, at MenWo