01/08/2023
PAGBATI!
Sa napakaraming bansa sa mundo, bukรณd tanging Pilipinas lรกmang ang may nakalaang gintong panahon taรณn-taรณn upang gunitain, pahalagahan, at alayan ng pagdakila ang wikang Pambansa.
Ang tema ng Buwan ng Wika 2023 ay pagkilala sa katotohanan ng pagkakaroon ng sari-saring wika ng Pilipinas na pinatutunayan ng pag-iral ng napakaraming wika na ayon kay Emma H. Santos-Castillo ng Pamantasang Normal ng Pilipinas at Linguistic Society of the Philippines (2008) ay nasa โ70 to 120 wika/diyalekto depende kung sino ang nagbibilang at kung anong pamantayan ang ginagamit sa pagbibilang.โ
Ang kapayapaan, katarungan, at pagpapalakas sa mga institusyon ang isa sa dakilang tunguhin ng Sustainable Development Goal ng United Nations (UN) na may lunggating maging malaya ang mamamayan saan mang panig ng mundo laban sa lahat ng uri ng karahasan at magkaroon ng kapanatagan anuman ang kanilang lahi, pananampalataya, at oryentasyong pangkasarian.
โขAng mga wika sa pagtataguyod ng seguridad: Mabisang maipararating sa taumbayan ang kahandaan sa pagharap sa anumang sakuna kung ang bawat pabatid o komunikasyon ukol dito ay nasa wikang gรกgap at madaling nauunawaan ng publiko.
โขAng mga wika sa ingklusibong pagpapatupad ng katarungang panlipunan: Ang katarungang panlipunan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng sapat na representasyon ng lahat ng mamamayan sa dominyo ng batas na para kay dรกting Pangulong Quezon ay nangangahulugan ng pag-akdรข o pagbalangkas ng mga panukalang batas at kapasiyahang sรบkat makita sa mga batas na kasalukuyang umiiral, at nang sa ganitoโy maisaayos at malunasan ang mga katiwalian at kaapihang nananaig pa sa bayan.
Ang SAMAFIL ay malugod na ipinapaala na, muli ang buwan ng Agosto ay ang pagsisimula Buwan ng Wika 2023 na may temang โFilipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.โ
Kredito: TagalogLang. (2023). Buwan ng Wika 2023. TAGALOG LANG. https://www.tagaloglang.com/buwan-ng-wika-2023/