CES Parents & Teachers Association

Directions

CES Parents & Teachers Association Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from CES Parents & Teachers Association, School, Casiligan, Oriental Mindoro, Pola.

05/10/2026

CES Dance Groove

🌸 Happy World Teachers’ Day! 🌸Taos-pusong pagbati ng PTA Officers at mga magulang ng Casiligan Elementary School sa laha...
05/10/2026

🌸 Happy World Teachers’ Day! 🌸

Taos-pusong pagbati ng PTA Officers at mga magulang ng Casiligan Elementary School sa lahat ng ating minamahal na g**o!

Maraming salamat sa inyong sipag, dedikasyon, pagmamahal at walang sawang paggabay sa ating mga mag-aaral. Kayo ang inspirasyon at katuwang namin sa paghubog ng kanilang magandang kinabukasan.

✨ Congratulations din sa matagumpay na pagdaraos ng World Teachers’ Day Celebration! ✨
Isang makabuluhan at masayang pagdiriwang bilang pagkilala sa inyong napakahalagang ambag sa ating mga anak at sa buong paaralan.

Mabuhay ang mga G**o ng Casiligan Elementary School!
💐 Happy World Teachers’ Day! 💐

Mula sa inyong PTA Family, maraming salamat at saludo kami sa inyo! ❤️

Lubos po ang aming pasasalamat sa Pola Federation PTA sa pangunguna ng Presidente Ms. Izelle Marie Martinez at PTA Coord...
24/09/2026

Lubos po ang aming pasasalamat sa Pola Federation PTA sa pangunguna ng Presidente Ms. Izelle Marie Martinez at PTA Coordinator Sir William Loro sa inyong paglalaan ng oras, suporta, at malasakit para sa Monthly Feeding Program sa aming paaralan.

Ang inyong kabutihan at pagtutulungan ay malaking tulong upang maitaguyod ang kalusugan at kapakanan ng ating mga mag-aaral. Tunay na ang sama-samang pagkilos at malasakit ay susi sa mas malusog at mas masayang mga kabataan.

Sa lahat ng PTA Officers ng Casiligan Elem. School at sa pakikipagtulungan at suporta Sangguniang Barangay ng Casiligan Hon. Dan M. Ferriol, sa mga g**o at Punungg**o Madam Lorely Fuentes taos puso po ang aming pasasalamat.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta!

Mabuhay ang Casiligan Elementary School!
Mabuhay ang Casiligan PTA!
Mabuhay ang Pola Municipal PTA Federation! 👏🌿

08/09/2026

Sino ang Best Teacher mo? 👩‍🏫👨‍🏫

Ngayong Teacher’s Month, gusto naming marinig ang inyong stories at appreciation para sa mga g**ong naging espesyal at mahalaga sa inyo.

Mag-comment ng picture ninyo kasama ang teacher na itinuturing ninyong “Best Teacher” at ikuwento sa comment section kung bakit siya ang Best Teacher para sa inyo.

📌 Open ito para sa mga Elementary at Secondary students ng mga paaralan dito sa Pola!

Pipili kami ng 3 entries na pinakanagustuhan namin, at bawat isa ay makakatanggap ng ₱500 GCash!

📅 Deadline of Entries: September 28
📢 Announcement of Winners: October 5

Sama-sama nating ipakita sa ating mga g**o kung gaano natin sila pinapahalagahan. I-comment na ang inyong photo at kwento tungkol sa inyong Best Teacher!

Happy Teachers’ Month to our amazing CES  Teachers! Thank you for your patience, dedication, and love in guiding our lea...
06/09/2026

Happy Teachers’ Month to our amazing CES Teachers!

Thank you for your patience, dedication, and love in guiding our learners every day. Your hard work and passion make a lasting difference in every child’s life.

You are truly appreciated and valued. ❤️

Happy Teachers’ Month, dear CES Teachers!

Thank you for being our heroes in education!

MARAMING SALAMAT PO! Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng nag-register, dumalo, at nakiisa sa aming CES Zumba ...
05/09/2026

MARAMING SALAMAT PO!

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng nag-register, dumalo, at nakiisa sa aming CES Zumba Fundraising Activity.

Ang inyong oras, suporta, at pakikiisa ay malaking tulong upang maisakatuparan ang aming layunin para sa Casiligan Elementary School. Tunay na ipinakita ninyo na kapag tayo ay nagkaisa, mas marami tayong kayang gawin para sa ating mga mag-aaral at sa ating paaralan.

Maraming salamat din po sa lahat ng tumulong, nag-organisa, nag-sponsor, at naging bahagi ng matagumpay na gawain na ito.

Mula sa CES PTA Family, maraming maraming salamat po sa inyong suporta!

Sama-sama para sa CES, para sa mga bata, at para sa mas magandang kinabukasan!





Magandang araw po!Amin pong ipinaalam na tuloy na tuloy na po ang Zumba sa Sabado Sept. 5, 2026 sa ganap na ika- 3:00 ng...
03/09/2026

Magandang araw po!

Amin pong ipinaalam na tuloy na tuloy na po ang Zumba sa Sabado Sept. 5, 2026 sa ganap na ika- 3:00 ng hapon.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at makisaya sa isang masigla at masayang araw ng pagsasayaw para sa kalusugan at pagkakaisa.

Patuloy po nating suportahan ang programa ng PTA para sa ating paaralan.

Kita kits po sa Sabado!

04/10/2025

CES Fund Raising Activity

Tagumpay at puno ng saya at enerhiya!Mula sa puso, maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nakisaya sa ZUMBA - Fund r...
04/10/2025

Tagumpay at puno ng saya at enerhiya!

Mula sa puso, maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nakisaya sa ZUMBA - Fund raising activity ng Casiligan Elementary School GPTA Officers.

Ang bawat isa sa inyo ang dahilan ng tagumpay ng event na ito! ❤️


Isang makulay at masayang  pagdiriwang ng Teachers’ Day na pinangunahan ng ating masisipag na PTA Officers bilang pagkil...
03/10/2025

Isang makulay at masayang pagdiriwang ng Teachers’ Day na pinangunahan ng ating masisipag na PTA Officers bilang pagkilala at pasasalamat sa mga g**o na patuloy na nagsisilbing ilaw at gabay ng kabataan. 🙌👩‍🏫👨‍🏫

Lubos ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pagtuturo, paggabay, pag-alaga, pagmamalasakit at pagmamahal sa aming mga anak bilang pangalawa nilang magulang sa paaralan.

Happy Teacher's Day po sa lahat ng mga g**o ✨💓

Mabuhay! Mahal Tana!

Address

Casiligan, Oriental Mindoro
Pola
5206

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CES Parents & Teachers Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category