28/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐!
Muling ipinamalas ng mga mag-aaral ng Leandro Panganiban Sr.-Tagumpay High School ang kanilang husay at talino matapos makamit ang mga karangalan sa katatapos na Pola District Tagisan ng Talino sa Araling Panlipunan, ika-28 ng Agosto, sa Domingo Yu Chu National High School.
Nagpakitang gilas ang mga piling mag-aaral ng LPSTHS sa Asean Quiz Bee, PopDev at Impromptu Speech kasama ang iba pang mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan sa Pola District.
Nasungkit ni ๐๐๐๐ฒ ๐๐ก๐๐ง๐ ๐
๐ซ๐๐ง๐๐ข๐ฌ๐๐จ, Grade 12, ang ikatlong pwesto sa Impromptu Speech, na ipinakita ang kanyang husay sa agarang pagbuo at paglalahad ng makabuluhang ideya sa harap ng mga tagapagsuri.
Samantala, naiuwi rin ni ๐๐ฅ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ง๐๐ซ๐ ๐๐ฅ๐๐ก๐๐ค๐จ๐จ๐ง, Grade 7, ang ikatlong pwesto sa ASEAN Quiz Bee, kung saan naipamalas niya ang kanyang malawak na kaalaman tungkol sa ASEAN, mga bansa sa Timog-Silangang Asya, at mahahalagang usaping panlipunan.
Kabilang din sa mga kalahok si ๐๐๐ง๐ข๐๐ ๐๐ข๐๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐๐ง๐จ, Grade 10, bilang kinatawan ng LPSTHS sa Pop Quiz Bee, na nagsilbing karagdagang patunay ng aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga gawaing akademiko sa distrito.
Higit pa sa mga parangal, naging daan ang kompetisyon upang malinang ang kumpiyansa, kritikal na pag-iisip, kaalaman, at kakayahan sa pakikipagkumpitensya ng mga mag-aaral.
Pinangunahan ni G. Mark Jem Fortu, AP Coordinator, ang delegasyon ng LPSTHS na buong determinasyon at kahandaan na humarap sa ibaโt ibang kompetisyon.
Nagpapasalamat ang buong pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni G. Christopher M. Llave, punongg**o, sa suporta ng mga g**o at mga magulang na patuloy na nagbibigay ng panahon, pang-unawa, inspirasyon, at moral na suporta sa mga mag-aaral.