08/09/2026
Isang malaking pagpupugay sa ating mga kahanga-hangang batang atleta at sa kanilang mga mapagmahal na magulang! Ang galing na ipinamamalas ninyo ngayon sa palaruan ay bunga ng inyong walang kapagurang pagtitiyaga, at disiplina sa bawat araw ng mahirap na training. Alam namin na hindi madali ang mag-ensayo pagkatapos ng klase at magpatuloy kahit pagod na, kaya naman sa inyong murang edad ay tunay na kayong mga kampeon dahil sa inyong determinasyon. Ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung wala ang walang sawang suporta ng inyong mga magulang na doble ang kabang nararamdaman tuwing kayo ay lumalaban. Salamat muli mga bata sa pagdadala ng pangalan ng ating paaralan sa Distrito ng Pola. Ang bawat panalo ninyo ay panalo rin ng Calima Elementary School, munting pangarap na inyong binuo sa kabila ng mga hadlang at pagsubok.
Saludo para sa mga Atletang Calimanians
Provincial Meet Qualifiers
1. Charles Daniel L. Almenion-Champion High Jump and Triple Jump
2. John Vincent S. Roa- Champion Long Jump
Third-100m
3. Shiannel Margarette L. Mampusti-Champion 1500m
4. Tanashirie Jane M. Riosa- Second 1500m
5. Mhiacka Shane E. Lalaquin- Second 400m
Second High Jump
District Meet Participants
1. Zachary S. Falogme- Third 200m
2. Leonard D. Masotes- participant