01/06/2026
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐๐ก๐ ๐ก๐๐๐ฆ๐๐ ๐จ๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ!
Lunes l June 01, 2026
Matagumpay na isinagawa ang Kick-Off Program ng Brigada Eskwela 2026 na dinaluhan ng mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Hon. Brgy. Captain Rovy Fabregas, mga miyembro ng Barangay Police, mga mag-aaral, magulang, g**o, at mga boluntaryo na nagkaisa para sa paghahanda ng paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng panalangin at pag-awit ng mga Makabayang Awitin bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.
Sa kanyang pambungad na mensahe, nagpasalamat si Mrs. Mariza Jamilla, School Principal II, sa lahat ng mga magulang, volunteers, at iba pang mga katuwang ng paaralan sa kanilang patuloy na suporta. Aniya, โAng programang ito ay makatutulong upang mas maihanda ang paaralan sa darating na pasukan.โ Hinikayat din niya ang lahat na makiisa at makibahagi sa mga gawain ng Brigada Eskwela.
Nagbahagi naman si Ms. Moneth Ruado, Brigada Eskwela Coordinator, ng mahahalagang paalala at mga pangangailangan ng paaralan. Nagbigay rin ng mensahe si Mr. Orville Fabregas, General PTA President, upang hikayatin ang kapwa mga magulang na patuloy na suportahan ang mga programa ng paaralan para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Nagpahayag din ng kanilang suporta sina Hon. Leilanie Sotejo, Barangay Kagawad at Chairperson ng Komite sa Edukasyon, at Mr. John Lloyd Forteza, SK Chairman. Kapwa nila ipinangako ang kanilang patuloy na pakikiisa sa mga programa at adhikain ng paaralan para sa pag-unlad ng mga mag-aaral. Ipinahayag din ni Hon. Brgy. Captain Rovy Fabregas ang kanyang buong suporta sa Brigada Eskwela at sa mga layunin nito.
Bago matapos ang programa, nakiisa ang lahat sa isang masiglang Zumba activity bilang paghahanda sa mga gawaing pang-Brigada at lumagda sa Commitment Wall bilang simbolo ng kanilang suporta at pangakong makibahagi sa programa.
Sa sama-samang pagkilos at diwa ng bayanihan, opisyal nang nagsimula ang Brigada Eskwela 2026!