20/01/2026
https://www.facebook.com/share/1AdV5fPV61/?mibextid=wwXIfr
LIBRENG ONLINE COURSE HANDOG NG UP AT DEPED
Good news, mga ka-DepEd! May libreng training po ang ating DRRM Coordinators para mas maging handa ang ating mga paaralan bago pa dumating ang sakuna.
Sa pakikipagtulungan ng DepEd at ng University of the Philippines, sa pangunguna ni UP President Angelo Jimenez at ng UP Resilience Institute sa ilalim ni Executive Director Mahar Lagmay, inilulunsad natin ang libreng Fundamentals of Resilience courses para sa ating DRRM coordinators.
Saklaw nito ang basic concepts of resilience, hazard and risk assessment, at disaster preparedness, gamit ang science-based at localized data na agad magagamit sa mga paaralan.
Sa ilalim ng pamumuno ni President Bongbong Marcos, malinaw ang adhikain ng Bagong Pilipinas: handa ang mga g**o, ligtas ang mga mag-aaral, at tuloy-tuloy ang pagkatuto kahit may kalamidad.