24/09/2026
Nais naming ipaalala sa ating mga kabataan, magulang, guardian, at sa buong komunidad: ang online threats ay hindi biro at hindi dapat balewalain.
Anumang pagbabanta na ginagawa gamit ang cellphone, computer, o social media ay maaaring magkaroon ng kaukulang legal na pananagutan, depende sa uri ng ginawa at sa ebidensiyang makakalap. Saklaw ito ng mga umiiral na batas, kabilang ang Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Sa sinumang nagpapakalat ng banta online, kahit sabihin pang biro o gamit ang dummy account, seryoso naming tinatrato ang bawat banta. Ang bawat insidente ay maaaring imbestigahan upang matukoy kung sino ang responsable, alinsunod sa batas at sa mga ebidensiyang makakalap.
Kapag may natanggap o nakita kayong online threat, HUWAG I-SHARE O I-REPOST. Sa halip, i-save ang screenshots, messages, account details, petsa at oras, at agad itong i-report sa pulisya upang maagapan ang anumang panganib.
Sa ating mga magulang at guardian, gabayan at bantayan natin ang ating mga anak. Turuan silang maging responsable sa bawat kanilang ipinapahayag at ginagawa online.
Sa ating mga kabataan, tandaan: ang online world ay hindi hiwalay sa batas.
Mag-isip bago mag-post, magkomento, o magpadala ng anumang mensahe.
Kung may emergency, tumawag sa 911 or sa Carmen PNP Hotline: 09474426864