19/11/2025
Tara, suportahan natin ang Sta. Maria National High School! ๐
I-like at i-share ang picture na ito ๐
Go SMNHS! ๐๐
Sta. Maria National High School - JHS 005
"Parol ng Pinoy"
PAROL ng PINOY! Isang parol na kumakatawan sa maraming TIPIKAL na PILIPINO. Umaasa sa isang masaya at masaganang Pasko. Ang PAROL na ito ay nag- aangkin ng mga kulay na sumisimbolo ng iba't- ibang kahulugan P**A para sa KATAPANGAN kagaya ng mga Pilipinong matapang na hinahanap ang mga pagsubok sa buhay. ASUL, sumisimbolo sa kapayapaan na hangad ng bawat isa. BERDE o LUNTIAN para sa pag-asang gaganda ang buhay ng bawat isa sa mga darating na araw. ROSAS para sa PAG-IBIG na dala ng Pasko. DILAW na nagbibigay tanglaw para maliwanag na bukas. Ang Parol sa kabuuan ay binalutan ng mga Lokal na materyales gaya ng balat ng MANI, BAO ng Niyog at INADORNOHAN ng dahon ng AVOCADO na ginawang mga bulaklak upang mas lalo itong maging kaiga-igaya. Mga bagay na aakalaing wala ng silbi subalit ito ay muling binigyang buhay para sa pagmamahal sa kalikasan. Mga sari- saring ilaw ay pinalibot sa parol upang mas lalo itong mag ning-ning at magbigay ng tanglaw ng liwanag tungo sa PAYAPA at LIGTAS na PASKO.
18/11/2025
๐๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ก๐๐ค ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ก๐ฎ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง
Nagsagawa ang ๐๐๐ก๐ช๐๐จ ๐๐๐ช๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ฉ ๐ผ๐ง๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ก๐๐ฅ๐ช๐ฃ๐๐ฃ ๐ฟ๐๐ฅ๐๐ง๐ฉ๐ข๐๐ฃ๐ฉ ng isang makabuluhang Learning Action Cell na pinangunahan ng butihing ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ง ๐
๐ช๐๐๐ก๐ก๐ ๐. ๐ฝ๐ค๐ฃ๐๐๐๐๐๐ค. Dinaluhan ito ng lahat ng g**o mula sa dalawang departamento na may iisang mithiin, ang paglinang ng mas mataas na antas ng pedagogikal na kasanayan.
Sa masiglang palitan ng kaalaman, umangat ang husay ng mga tagapagsalitang puno ng talino at ng mga tagapakinig na aktibong nakikibahagi sa bawat talakayan. Ipinamalas ng bawat g**o ang pambihirang dedikasyon: bukas sa patuloy na pagkatuto, handang maglaan ng oras, at nakatuon sa higit pang pagpapahusay ng serbisyo sa bayan at sa ating mga mag-aaral.
Tunay na ang lakas ng isang institusyon ay nagmumula sa mga g**ong patuloy na nagsusulong ng kalidad, integridad, at makabagong edukasyon. ๐โจ
14/11/2025
๐ Maligayang Kaarawan, Heneral Gregorio del Pilar!
Ngayong araw, inaalala natin ang isa sa pinakabatang heneral ng ating kasaysayan. Si Goyo ay isang patunay na ang kabataan ay hindi hadlang sa paggawa ng malalaking bagay para sa bayan.
Bilang mga mag-aaral, isabuhay natin ang kanyang tapang at pagmamahal sa bayan! Gamitin natin ang ating edukasyon, ang ating kaalaman sa kasaysayan at Araling Panlipunan, upang maging matatalinong lider at aktibong mamamayan.
Ipagpatuloy natin ang laban para sa isang mas magandang Pilipinas, gamit ang ating isip at puso!
24/10/2025
Ginugunita ngayong araw, 24 Oktubre 2025 ang ika-172 Anibersaryo ng Kapanganakan ni PEDRO SERRANO LAKTAW, g**o, propagandista, manunulat, Bayaning Bulakenyo.
Kilala sa pagiging grammarian, lexicographer at pinunong Mason na naging aktibo sa kilusang propaganda, isinilang si Laktaw noong 24 Oktubre 1853 sa barrio Kupang, Bulakan. Nagtapos siya ng edukasyon sa Escuela Normal na noo'y pinatatakbo ng mga paring Heswita. Binuo ni Laktaw ang "Comite de Propaganda" kasama sina Marcelo H. del Pilar, Ambrosio Bautista, Doroteo Cortes, at Mariano Ponce upang palaganapin ang mga ideyang liberal sa pamamahala at kontrahin ang labis na pangingialam ng mga prayle sa usaping sibil.
Habang nasa Espanya upang magpakadalubhasa sa edukasyon, nahikayat si Laktaw sa Masoneriya at lumao'y sumapi sa isang sangay nito sa Barcelona, Espanya, at malao'y nakilala sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, at ang magkapatid na Juan at Antonio Luna. Dito ay nagkitang muli sila ni Del Pilar na noo'y tumakas mula sa pag-uusig ng mga prayle at Pamahalaang Kastila.
Tinipon ni Laktaw ang una niyang komprehensibong lexicography ng Tagalog na sa kalaunan ay inilimbag bilang Diccionario Hispano-Tagalog noong 1889.
Nang itatag ang Unang Republika sa Malolos, nagsulat siya para sa El Heraldo de la Revolucion. Itinalaga rin siya bilang kinatawan ng Bulacan sa Pambansang Asambleya noong 7 Hulyo 1899. Sa pananakop ng mga Amerikano, sumulat siya ng mga makabayang artikulo para sa "Ang Kapatid ng Bayan".
Bahagi ng artikulo mula sa pananaliksik ng Project Saysay-Project Vinta. Larawang guhit ni G. Billy Joe B. Marciano para sa SINEliksik BULACAN POSTER, Bayaning Bulakenyo Series
04/10/2025
"The influence of a good teacher can never be erased." โ๏ธ
Happy Teachersโ Day, Sir Palafox!
We, the AP Club, would like to extend our heartfelt gratitude for your unwavering support and guidance as our AP club adviser. Thank you for giving your time, effort, and dedication to lead us in every step of our journey. Your commitment inspires us to do our best and work together as one family. WE LOVEE YOUU, SIR ! ๐๐
โ From your beloved AP Club Family
01/09/2025
๐๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ ๐๐ถ๐ฟ๐๐ต๐ฑ๐ฎ๐, ๐ ๐ฎ'๐ฎ๐บ ๐๐ฎ๐๐บ๐ถ๐ป ๐๐๐ถ๐น๐น๐ฒ๐ฟ๐บ๐ผ!๐ฅณ
On behalf of the AP Club family, we would like to greet our beloved Araling Panlipunan 8 teacher a very happy birthday! Your dedication and passion continue to inspire us each day, and we are truly grateful for the wisdom and guidance you share.
โA good teacher is like a candleโit consumes itself to light the way for others.โ ๐ฏ๏ธ
May this special day bring you joy, blessings, and good health always. ๐๐ฅณ
With love and respect,
โ Your AP Club Family ๐พ
25/08/2025
"๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ฉ๐๐๐ ๐จ ๐๐๐ฅ๐ ๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข, ๐ฌ๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ ๐๐ญ ๐ญ๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ฆ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐ญ๐๐ฆ๐"
Ngayong araw, ating ginugunita ang mga dakilang Pilipino na buong tapang at pusong nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bayan. Sila ang mga huwaran ng katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa Inang Bayanโmga aral na hanggang ngayon ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa atin.
Ngunit tandaan natin: hindi natatapos ang pagiging bayani sa mga pahina ng kasaysayan. Sa bawat g**o na nagtuturo ng may malasakit, sa bawat magulang na nagsasakripisyo para sa pamilya, sa bawat manggagawang nagsusumikap kahit sa gitna ng hirap, at sa bawat kabataang nangangarap para sa mas magandang kinabukasanโnariyan ang diwa ng kabayanihan.
Maging paalala sana ang araw na ito na hindi kailangan ng espada o sandata para maging bayani. Sapat na ang tapang na gumawa ng tama, malasakit sa kapwa, at pagmamahal sa bayan. Sa bawat maliit na hakbang tungo sa kabutihan, tayo rin ay nagiging mga modernong bayani ng ating panahon.
๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐. ๐จ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐โ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐.
Mabuhay ang ating mga bayani! ๐ต๐ญ๐ต๐ญ
21/08/2025
"๐ง๐ต๐ฒ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ถ๐ ๐๐ผ๐ฟ๐๐ต ๐ฑ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ณ๐ผ๐ฟ"
โ ๐ต๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐
Ngayong Ninoy Aquino Day, inaalala natin si Benigno 'Ninoy' Aquino Jr.โisang lider, mamamahayag, at higit sa lahat, isang Pilipino na nag-alay ng buhay para sa kalayaan ng bayan. Sa kabila ng panganib, pinili niyang bumalik sa Pilipinas upang ipaglaban ang demokrasya, at ang kanyang tapang ay nagbigay liwanag sa landas tungo sa pagbabago. โโจ
Ang kanyang mga salita na โThe Filipino is worth dying for ay hindi lamang paalala ng sakripisyo, kundi inspirasyon para sa ating lahat na mahalin ang ating bansa sa pamamagitan ng maliit man o malalaking paraan. Hindi man tayo inaasahang magbuwis ng buhay tulad niya, maaari tayong maging bayani sa ating sariling paraanโsa pagtindig para sa tama, sa paggawa ng mabuti, at sa pagiging tapat na Pilipino." ๐ต๐ญโจ
๐ผ๏ธ: Irish Mae Patso | AP Club Page editor
โ๐ป: Angel Lyrah Rosal | AP Club President
19/08/2025
๐ก๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐ผ๐ฟ ๐ต๐ถ๐ป๐ถ๐ต๐ถ๐ป๐๐ฎ๐ ๐บ๐ผ ๐ฝ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐๐๐ป๐ด "๐ ๐จ๐จ๐๐ฅ๐ฎ๐๐ค" ๐ป๐ถ๐๐ฎ? ๐คญโ
h'wag ka ng umasa sa mga paasa dahil kailangan mong ๐๐๐๐๐๐ ๐๐
Exams are not meant to break you, but to bring out the best in you. Kahit mahirap ang tanong, mas mahirap sumuko. Kaya huwag kang kabahanโtrust yourself, trust your hard work, and trust the process. Good luck sa lahat ng mag-e-exam bukas! Focus, pray, and slay! ๐
๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ !
๐ผ๏ธ: Irish Mae Patso | AP Club Page editor
โ๐ป: Angel Lyrah Rosal | AP Club President
15/08/2025
๐ข PANAWAGAN PARA SA SUPORTA ๐ข
๐กKami po ay mula sa AP Club ay taos-pusong humihiling ng inyong tulong at suporta para sa patimpalak ng Bulacan History Heritage na "Tayo na sa Pamana" โisang proyekto na layong ipreserba at ipagmalaki ang mayamang kasaysayan at kultura ng ating simbahan.
๐ Paano makasuporta:
1๏ธโฃ Pumunta sa Bulacan History Heritage page
2๏ธโฃ Hanapin ang Entry #6 na video
3๏ธโฃ I-Like(๐) React sa mismong post ng video
4๏ธโฃ Mag-iwan ng komento bilang pagpapahayag ng suporta. mag mention din ng mga kakilala at mag "highlights" sa mismong video.
5๏ธโฃ click the link here ๐๐ป https://www.facebook.com/share/v/168gAzjtJh/
Ang bawat Like, React, at Komento ay hindi lamang bilang sa social mediaโito ay simbolo ng pagkakaisa, pagmamalasakit, at pagmamahal.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtangkilik at pakikiisa. Sama-sama nating ipakita na ang Bulakenyo ay may pusong para sa kultura at kasaysayan! โจ
๐ผ๏ธ: Irish Mae Patso | AP Club Page editor
โ๐ป: Angel Lyrah Rosal | AP Club President