Plaridel Infirmary IPCC Official

Plaridel Infirmary IPCC Official Infection Prevention & Control Committee of Plaridel Infirmary - Official Page
Husay, Pananagutan, Integridad, at Malasakit

🚨 Madalas ka bang naiihi? Mahapdi ba kapag umiihi? 👀💦Baka oras na para ALAMIN, AGAPAN, at IWASAN ang UTI! 🦠🚽📢 Tara na, m...
21/08/2026

🚨 Madalas ka bang naiihi? Mahapdi ba kapag umiihi? 👀💦

Baka oras na para ALAMIN, AGAPAN, at IWASAN ang UTI! 🦠🚽

📢 Tara na, mga ka-OPD! Sa susunod nating IPC Monthly Lay Forum, pag-uusapan natin ang tungkol sa Urinary Tract Infection (UTI)—mga sintomas, sanhi, paano ito maiiwasan, at ano ang tamang gawin kapag may nararamdaman nang kakaiba.

💡 “IHI’Y BANTAYAN, UTI AY MAIIWASAN!” 💦🩺

Speaker: Dr. Oliver Romulo (Family & Community Medicine)
📅 September 22, 2026 (Martes)
⏰ 9:00 AM
📍 OPD Waiting Area, Plaridel Infirmary

🎥 Hindi makakadalo nang personal? Walang problema!
I-LIVE natin ito sa Facebook para makasabay at makinig kahit nasaan ka. 📱💻

Libre ang kaalaman, kaya huwag mahiya—halika na! 😄
Dahil sa UTI, mas mabuting alam mo ang dapat gawin kaysa tiis-tiis lang sa hapdi!

Tara na! Makinig, matuto, at pangalagaan ang inyong kalusugan. 💚

Plaridel Infirmary IPC Unit
Husay, Pananagutan, Integridad, at Malasakit







🩺 Kaalaman at Kahandaan Laban sa Needle Stick InjuryNoong Agosto 19, 2026, matagumpay na nagsagawa ng online lecture ang...
20/08/2026

🩺 Kaalaman at Kahandaan Laban sa Needle Stick Injury

Noong Agosto 19, 2026, matagumpay na nagsagawa ng online lecture ang Plaridel Infirmary Patient Safety Committee, katuwang ang Infection Prevention & Control (IPC) Committee, para sa ating mga healthcare workers tungkol sa Needle Stick Injury: Prevention & Management.

Sa lecture na ito, tinalakay ang mga paraan upang maiwasan ang needle stick injuries, ang wastong management kapag ito ay nangyari, at ang mga agarang hakbang na kailangang gawin kapag may insidente, lalo na sa Emergency Room.

Binigyang-diin din ang wastong paggamit ng Needle Stick Injury Algorithm na binuo ng ating IPC Unit, upang magsilbing gabay sa mabilis, tama, at sistematikong pagtugon sa bawat insidente.

Dinaluhan ito ng ating Chief of Hospital na si Dr. Alvin Ramirez, Administrative Department, mga doktor, nurses, utility workers, at iba pang healthcare staff at departments ng Plaridel Infirmary. Ang aktibong pakikilahok ng bawat isa ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng lecture. 👏

Ang aktibidad na ito ay bahagi rin ng patuloy na pagsisikap ng Infection Prevention & Control Unit na matugunan at maisakatuparan ang mga kinakailangang IPC requirements ng Department of Health (DOH), at higit sa lahat, upang mapanatili ang kaligtasan ng ating mga healthcare workers at patients.

✨ Isa lamang ito sa maraming hakbang at inisyatiba ng IPC Unit ng Plaridel Infirmary tungo sa mas ligtas, mas handa, at mas maayos na healthcare environment.

Prevention starts with awareness. Preparedness starts with knowledge. 🩺🛡️

Plaridel Infirmary IPC Unit
Husay, Pananagutan, Integridad, at Malasakit 💚








Maraming salamat po sa lahat ng aming mga pasyente na naglaan ng oras upang dumalo, makinig, at matuto tungkol sa Tuberc...
20/08/2026

Maraming salamat po sa lahat ng aming mga pasyente na naglaan ng oras upang dumalo, makinig, at matuto tungkol sa Tuberculosis. 💚

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakinig at nakibahagi sa aming Facebook Live kahit hindi nakadalo nang personal. 📱

Ang mga buwanang OPD Lay Forum na ito ay inihahandog ng Infection Prevention and Control Unit (IPCU) ng Plaridel Infirmary bilang bahagi ng aming patuloy na layunin na magbigay ng tamang kaalaman at impormasyon sa ating mga pasyente upang makatulong sa pag-iwas, maagang pagkilala, at pagbawas ng mga sakit at morbididad sa ating komunidad.

Dahil ang tamang kaalaman ay unang hakbang tungo sa mas ligtas at mas malusog na komunidad. 🩺💚

Maraming salamat po sa inyong suporta! Sama-sama nating labanan ang TB!

🦠 Plaridel Infirmary IPC Unit
Husay, Pananagutan, Integridad, at Malasakit

19/08/2026

Ubo'y may Drama? Baka TB ang Problema!

Para sa mga hindi makakadalo bukas 💚💚Dahil sa patuloy na pag-ulan, nauunawaan namin na maaaring hindi makadalo ang ilan ...
17/08/2026

Para sa mga hindi makakadalo bukas 💚💚

Dahil sa patuloy na pag-ulan, nauunawaan namin na maaaring hindi makadalo ang ilan sa ating mga pasyente sa OPD Lay Forum on Tuberculosis.

Huwag mag-alala! Susubukan nating i-livestream ang ating OPD Forum sa Facebook para kahit nasa bahay at ligtas sa ulan, maaari pa rin kayong makasabay at matuto tungkol sa TB. 🫁📱

📌 Abangan ang aming Facebook Live!
📌 I-share din sa inyong pamilya at mga kaibigan para mas marami ang maabot ng ating TB awareness campaign.

Kaligtasan muna bago lahat. Manatili sa ligtas at tuyong lugar, at sama-sama tayong matuto tungkol sa Tuberculosis!

“Ubong may drama? Baka TB ang problema—alamin, maagapan, at malunasan!” 💚

✅ Plaridel Infirmary – Infection Prevention & Control Unit
Husay, Pananagutan, Integridad, at Malasakit

🦟 DENGUE: HUWAG MAGPAKAMPANTE! 🦟Ngayong tag-ulan, sama-sama nating iwasan ang dengue!Ang dengue ay isang sakit na naipap...
11/08/2026

🦟 DENGUE: HUWAG MAGPAKAMPANTE! 🦟
Ngayong tag-ulan, sama-sama nating iwasan ang dengue!

Ang dengue ay isang sakit na naipapasa sa kagat ng infected na Aedes aegypti na lamok. Mas madaling dumami ang mga lamok kapag may mga naiipong tubig sa paligid—kaya mahalagang panatilihing malinis at tuyo ang ating kapaligiran.

📊 KUMUSTA ANG DENGUE CASES SA PILIPINAS?

Ayon sa ulat noong Agosto 8, 2026, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 93,155 kaso ng dengue mula Enero 4 hanggang Agosto 1, 2026. Mas mababa ito kumpara sa 174,077 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon—humigit-kumulang 46% na pagbaba.

Magandang balita ito, ngunit hindi ibig sabihin na wala nang panganib. Patuloy pa rin ang banta ng dengue, lalo na ngayong tag-ulan kung kailan maaaring dumami ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok. (Philstar.com)

✅ ANG PLARIDEL INFIRMARY AY KAAGAPAY NINYO LABAN SA DENGUE!

💚 Ang Plaridel Infirmary Infection Prevention and Control Unit (IPCU) ay kaagapay sa pagpuksa at pag-iwas sa dengue sa pamamagitan ng health education, pagpapalaganap ng tamang impormasyon, pagsusulong ng kalinisan at environmental control, at pakikiisa sa mga hakbang upang maiwasan ang pagdami ng lamok at pagkalat ng dengue.

Dengue ay hindi dapat hintaying lumala.
Linisin ang paligid. Alisin ang naiipong tubig. Protektahan ang pamilya.

🦟 TAOB. ITAKTAK. TUYOHIN. TAKPAN.
❤️ Dengue prevention—trabaho nating lahat!

— Plaridel Infirmary
Infection Prevention and Control Unit
Husay, Integridad, Pananagutan, at Malasakit

📌 Sanggunian:
Philippine Star. (August 8, 2026). 93,155 dengue cases reported this year. (Philstar.com)

11/08/2026

💉 BAKUNA: PROTEKSYON PARA SA’YO AT SA MGA MAHAL MO

Isang paalala mula sa Plaridel Infirmary Infection Prevention and Control Committee (IPCC)

Ang bakuna ay isa sa pinakamabisang paraan upang maiwasan ang malulubhang sakit. Tinuturuan nito ang ating immune system kung paano makilala at labanan ang ilang virus at bacteria bago pa tayo mahawa.

💚 ANG AMING PANININDIGAN

Ang Plaridel Infirmary IPCC ay SUMUSUPORTA SA PAGBABAKUNA.

Naniniwala kami na ang ligtas, epektibo, at napapanahong pagbabakuna ay mahalagang bahagi ng pag-iwas sa sakit at pagpapanatili ng kalusugan ng bawat pamilya at ng buong komunidad.

Huwag basta maniwala sa sabi-sabi.
Magtanong. Magpa-konsulta.
Alamin ang tamang impormasyon mula sa health professionals.

💉 BAKUNA: PROTEKSYON NGAYON, KALUSUGAN PARA SA KINABUKASAN.

Plaridel Infirmary
Infection Prevention and Control Committee (IPCC)

📚 Mga Sanggunian
* World Health Organization (WHO). Vaccines and immunization.
* World Health Organization (WHO). Vaccines and immunization: What is vaccination?
* World Health Organization (WHO). Vaccines and immunization: Vaccine safety.
* World Health Organization (WHO). Immunization coverage. 2026.
* Department of Health Philippines. National Immunization Program.

Kitakits mga ka-OPD!
01/08/2026

Kitakits mga ka-OPD!

🫁 Ubo’y May Drama? Baka TB ang Problema!🦠

Tara na! Halika na! 🤩
Alamin ang buong katotohanan tungkol sa Pulmonary Tuberculosis (TB)—kung paano ito naiiwasan, natutukoy, at nagagamot.

📢 Makilahok sa ating OPD Lay Forum at maging mas maalam sa paglaban sa TB. Tandaan, ang tamang kaalaman ang unang hakbang sa pag-iwas!

🎉 Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National TB Awareness Month at National TB Day, ang Plaridel Infirmary Infection Prevention & Control (IPCC) Unit ay naghahandog ng isang makabuluhan at kapaki-pakinabang na talakayan para sa ating mga pasyente at kanilang mga kasama.

📅 Petsa: August 19, 2026
🕘 Lugar: OPD Waiting Area
🎙️ Tagapagsalita: Dr. Raquel E. Reyes (Medical Officer III)
🎤 Moderator: Joanah Rose Rivera, RN
(Overall Infection Prevention & Control Nurse)

💚 Libre ang seminar, libre ang kaalaman, at libre rin ang pag-asang sugpuin ang TB!

Tara na! Halika na!
Sama-sama nating sugpuin ang TB—dahil ang kalusugan ay nagsisimula sa tamang kaalaman! 💪🫁

Plaridel Infirmary: May Husay, May Malasakit, May Integridad, at May Pananagutan 🫀




📢 PAUNAWAMalugod po naming ipinababatid na ang opisyal na page na ito ay pinangangasiwaan ng Plaridel Infirmary...
31/07/2026

📢 PAUNAWA

Malugod po naming ipinababatid na ang opisyal na page na ito ay pinangangasiwaan ng Plaridel Infirmary Infection Prevention and Control Committee (IPCC). Layunin nitong magbahagi ng mga health advisories, impormasyon, programa, aktibidad, at iba pang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa Infection Prevention and Control ng Plaridel Infirmary.

Para naman po sa pagpapaschedule ng OPD consultation, Online Appointment, at iba pang katanungan o serbisyong may kaugnayan sa Outpatient Department (OPD), hinihiling po naming makipag-ugnayan sa opisyal na Plaridel Infirmary Online Appointment page.

📌 Maaari po ninyong bisitahin ang opisyal na page ng Plaridel Infirmary Online Appointment sa pamamagitan ng link sa ibaba o sa caption ng post na ito:

https://www.facebook.com/share/1c5rhZTajC/?mibextid=wwXIfr

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta sa mga programa ng Plaridel Infirmary.

-IPCC, Plaridel Infirmary
Husay, Pananagutan, Integridad, at Malasakit

PLARIDEL INFIRMARY: Infection Prevention & Control (IPC) Unit“Husay, Pananagutan, Integridad, at Malasakit”✅ HEALTH ADVI...
29/07/2026

PLARIDEL INFIRMARY: Infection Prevention & Control (IPC) Unit
“Husay, Pananagutan, Integridad, at Malasakit”

✅ HEALTH ADVISORY

COVID-19: Manatiling Maingat sa Kabila ng Kamakailang Pagtaas ng mga Kaso

Sa mga nakaraang linggo, nakapagtala ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang bahagi ng Asya, kabilang ang Pilipinas. Gayunpaman, ayon sa Department of Health (DOH), mas mababa pa rin ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ngayong 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Mula Enero hanggang Hulyo 11, 2026, nakapagtala ang DOH ng 1,532 kumpirmadong kaso, o humigit-kumulang 70% na mas mababa kaysa sa parehong panahon noong 2025. Bagama’t may bahagyang pagtaas ng mga bagong kaso sa ilang lugar, nananatiling mababa ang pangkalahatang bilang ng mga kaso sa bansa. (Philippine News Agency⁠)

Hindi ito dapat maging dahilan upang maging kampante.

Ang COVID-19 ay maaari pa ring kumalat, lalo na sa mga matatanda, buntis, sanggol, at mga taong may mahihinang resistensya o may iniindang sakit. Ang maagang pagkilala sa mga sintomas at pagsunod sa mga hakbang sa pag-iwas ay mahalaga upang mapigilan ang pagkalat ng sakit sa ating pamilya at komunidad.

Mga Sintomas ng COVID-19

* Lagnat
* Ubo
* Sipon
* Pananakit ng lalamunan
* Panghihina ng katawan
* Hirap sa paghinga

Paano Maiiwasan ang Pagkalat ng COVID-19?

✅ Magsuot ng face mask kung ikaw ay may sintomas ng trangkaso o ubo at sipon, o kung bibisita sa mga lugar na maraming tao o sa mga pasilidad pangkalusugan.

✅ Madalas na maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o gumamit ng alcohol-based hand sanitizer.

✅ Takpan ang bibig at ilong kapag uubo o babahing gamit ang tisyu o iyong siko.

✅ Panatilihing maaliwalas ang daloy ng hangin sa loob ng bahay o opisina sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bintana kung maaari.

✅ Iwasan ang malapit na pakikisalamuha sa ibang tao kung ikaw ay may sintomas ng sakit.

✅ Magpatingin agad sa pinakamalapit na health facility kung ikaw ay may matinding sintomas, lalo na kung may hirap sa paghinga o kabilang sa high-risk group.

Paalala mula sa Plaridel Infirmary IPC Unit

Bagama’t nananatiling mababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 kumpara noong nakaraang taon, ang pag-iingat ay nananatiling pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang ating sarili, pamilya, at komunidad. Ang simpleng pagsunod sa wastong pag-iwas ay malaking hakbang upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa.

Mga Sanggunian
1. Department of Health (DOH). (2026). COVID-19 cases down by 70% from January to July. Philippine News Agency. (Philippine News Agency⁠)
2. Quezon City Government. (2026). Spike in COVID-19 cases no cause for alarm; majority of cases remain mild. Philstar. (Philstar⁠)
3. Department of Health (DOH). Patuloy na paalala sa pagsunod sa minimum public health standards upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. (YouTube⁠)

Address

Poblacion
Plaridel

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Plaridel Infirmary IPCC Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share