CNHS Plaridel, Quezon (Alumni's Crystal Concept)

CNHS Plaridel, Quezon (Alumni's Crystal Concept) serves as an avenue to all CNHS Alumni. This is the account where you share info, Please observe courtesy. THANK YOU

Posting of profanities and irrelevant subjects is prohibited.

CNHS Alumni PresidentSixto Alva
09/04/2023

CNHS Alumni President
Sixto Alva

09/04/2023
09/05/2020

To all Exceptional Mothers out there, this is your day... Excempted muna po kayo sa mga gawain hehe... Happy mothers day đŸ˜‡

19/03/2020

Ang hirap sigurong maging KAPITAN ngayon... sana si Krass naging KATIPAN ko noon.

~Pang alis stress lang po

25/01/2020

Sabado.... Bayae nyo na akong magkwento... Ito ang araw ng paglalaba namin noong high school pa ako. Pero minsan may dumating na isang sabadong naiba ang routin ko...

Heto na, ako talaga ay maglalaba ng aking uniporme pero naalala ko nagkayayaan nga pala kaming magkakaklase, pupunta daw kaming ilosong at magyuyubak daw kami doon. Nalaman kong kasama si Krass kaya naisipan kong ang pagkakataong ito ay wag mapalampas.

Di pa uso ang tricycle noon, pero di sa pagyayabang may mga ka eskwela akong may "wheels" na noon, kaya napag usapan namin sa istasyon ng tren na lang magkitakita.

Tunay na aking maipagmamalaki mga kaklase kong ang oras ay binibigyang importante, sa tamang oras ay dumating sila kaya kami daw ay lalarga na. Una kong hinanap si krass gandang ganda ako sa suot nyang tshirt na may maiksing manggas na tinernohan ng tokong na maong na medyo kupas kaya naman ang pasimple kong pagsilay sa kanya"y wagas na wagas. hahaha...

Tatlong kaklase ko ang may wheels, napag usapan ng mga driver na convoy na lang daw kami, sa tatlong "Skeyts" naming sinasakyan natural di kami nagkakalampasan, pag medyo ahon sa pagtutulak kami"y tumutulong, hindi pa rin kasi uso ang demotor na skits noon. Sa isang kurbang daan ay nagkabiruan, may parating daw na tren kaya may ilan na nagtagbongan. Tawanan kami wala naman kaseng masamang nangyari.

Hindi naglaon narating namin ang ilosong, sinimulan namin ang pagyuyubak, bawat isa'y may naka atang na gawain, maswerte at dumating kaming may nilabon ng saging.. Ang iba ay nagkayod ng niyog ang iba nmay kumuha ng dahon ng saging yung ilan ay nagtimpla ng ponse na iinumin namin, ako ang naatasang magyubak si Krass ang taga lagay ng nilagang saba. Sabi ko sa sarili ko di ko na palalampasin ang pagkakataong ito, kelangang makapagsalita na ako... Pero ano ang aking sasabihin?!. Nerbyos at kaba ay damang dama pa rin.. Sa wakas ako'y may nasambit... "Ingat ka baka kamay mo ay mapitpit".

Itutuloy.....

23/01/2020

Saglit lang ha, ako'y may nais ibahagi
Di na kasi ako mapakali
Sa nabasa ko tungkol sa puno ng Pili dini
Mga alaalang madami at nakakawili...

Hehehe Napapa tula tuloy ako
Si krass kasi ang naalala ko
Kapag sumasagi sa isip ko
Mga karanasan sa punong ito

Dito kami unang nagka usap
Pero ito'y aksidente lamang naganap
Si Krass yata nuo'y may hinahanap
Pero dito ako ang kanyang naapuhap

Nang siya ay magsalita
Alam ko ako'y biglang namutla
Tuhod ko'y nanginig
Tinig nya ay di ko madinig

Siguro siya ay nakahalata
O napansin niyang ako"y nakatunganga
Tinapik niya ang aking balikat
At ako ay lalong nagulat

Sa akin ay kanyang itinanong
Tungkol sa project namin noon
Kung naisulit ko na daw ba iyon
"Oo" lamang ang aking tugon

Pagkatapos noo'y siya ay umalis
Sa ilalim ng punong Pili ako'y iniwan nyang inis
Dahil iisang salita lamang ang aking nasambit
Sana sa susunod ang "Oo" si krass naman ang bumanggit.

-Kutnog

23/01/2020

Noon paliitan ng sulat para atleast ay may "hint" tuwing exam,.. Ngayon "Hangul" ang katapat ng mga K pop na kabataan.hahaha...kaway kaway naman kayo dyan... Gandang araw po

22/01/2020

Gusto ko pong buhayin ang page na ito ha.

Ako'y may iiistorya, malapit na naman ta ang Valentine ay naalala ko yung krass ko nung high school days..

Aduwang adwa ako sa sarili ko nung panahong yon, biruin mo baga naman kapag nakikita at nakakasalubong ko si krass ay tumatago pa ako hahaha, "kutnog" nga ang tawag ay... Naalala ko pa nga minsan isang umagang papasok ako sa "JICA" (yan nga pala ang tawag namin noon sa bagong tayong classroom at site na tinatayuan ng kasalukyang school natin ngay-on) abay makakasalubong ko siya, ay bigla ba naman akong umatras at nagkunyaring bibili ng minindal ay agang aga pa hahaha, pag di ka naman ay.

Pero kahit ganoon inpayrness nahawakan ko ang kamay ni krass, kaya tuwang tuwa ako dun sa cadena ba yon ? Buti may Regodon nun hahaha, ay anubat damang dama ko ang saya.

Medyo bitin itong aking kwento, tsaka ito ay patikim laang pero pag inyong nagustuhan ito ay akin pang susundan.

Ako baga ay isa sa mga iskwelang unang pumasok sa unang dalawang classroom dito, dati kase kasama pa kami sa skol ng elementarya.... Isang istudyante ng dekada nubenta...

Salamat sa pagbabasa ng aking istorya. Sana ikaw ay aking napasaya hahaha o kaya pasensya na sa abala.

My Teacher My Hero....Kawaykaway po sa mga minamahal naming mga G**o... HAPPY TEACHERS DAY ..... (Pahabol lang po)
06/10/2017

My Teacher My Hero....Kawaykaway po sa mga minamahal naming mga G**o... HAPPY TEACHERS DAY ..... (Pahabol lang po)

My Teacher My Hero....kawaykaway po sa mga minamahal kong mga G**o....Happy Teachers Day...(Pahabol po)
06/10/2017

My Teacher My Hero....kawaykaway po sa mga minamahal kong mga G**o....Happy Teachers Day...(Pahabol po)

06/10/2017

MY TEACHER MY HERO....Happy Teachers day...(Pahabol po)

ATM CNHS recognition day
31/03/2016

ATM CNHS recognition day

Address

Brgy. Concepcion
Plaridel
4306

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CNHS Plaridel, Quezon (Alumni's Crystal Concept) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category