24/08/2026
MGA BATANG MAMAMAHAYAG NG CABULIHAN ELEMENTARY SCHOOL!
Buong pagmamalaking binabati natin ang ating mga batang mamamahayag na buong tapang na hinarap ang hamon ng Campus Journalism:
Jessabel I. Francisco – Pagsulat ng Lathalain 🥈 2nd Place
Wel Ann T. Topacio– Pagsulat ng Editoryal
Precious Lara E. Cabueñas – Pagsulat ng Balita
John Ezekyel Jaudian – Editorial Cartooning – Filipino
Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, determinasyon at hindi pagsuko sa bawat hamon. Patuloy ninyong hasain ang inyong kakayahan at gamitin ang inyong mga panulat upang maghatid ng katotohanan at makabuluhang impormasyon. ✍️📰
Isang taos-pusong pasasalamat sa ating butihing Principal, Ma’am Sherre Ann C. Topacio sa kanyang walang sawang suporta, paggabay, at pagbibigay ng pagkakataon sa ating mga batang mamamahayag na maipakita at mapaunlad ang kanilang mga talento.
Maraming salamat din sa School Paper Adviser and Coach, Ma’am Ma. Teresa L. Quijano, sa kanyang dedikasyon, tiyaga, at pagpupursiging hubugin ang ating mga batang mamamahayag.
Sa bawat salita, may tinig. Sa bawat kuwento, may mensahe. Sa bawat tagumpay, may pusong hindi sumuko. ❤️