11/04/2026
Isang malugod at mainit na pagbati ang ipinapaabot sa ating mga masusigasig na Scout mula sa Cawayanin Elementary School, Pitogo Central School, at Pitogo Community High School!
Tunay na isang malaking karangalan para sa Distrito ng Pitogo ang inyong tagumpay sa katatapos lamang na Board of Review sa Council Scout Jamboree 2026 na ginanap sa Lopez National Comprehensive High School sa Lopez, Quezon. Ang inyong pag-akyat sa mga ranggong Second Class, First Class, at Outdoorsman ay patunay ng inyong dedikasyon, disiplina, at katatagan ng loob.
Maraming salamat rin po sa mga g**o sir Rolando Moreno Sagnoy Jr. ng PCSII sir Emmanuel Santiago, Paul Jerick S. Reyes ng Cawayanin at Ma'am Dianna Ann Alonte ng PCHS at sa mga magulang ng mga batang ito sa pagbibigay suporta sa mga bata, gayundin po sa Lokal na Pamahalaan ng Pitogo sa Pamumuno ni Mayor Dexter L. Sayat, ganun din po DRRM sa pamumuno ni Maโam Ma. Theresa T. Ibarra sa pagkakaloob sa kanila ng sasakyan upang sila ay mahatid at masundo, at sa butihing Municipal Scouting Committee, Konsehal Dominic Eison Altamira Tan maraming salamat po sa palagiang pagsuporta sa BSP.
Maraming maraming salamat po! At pagbati sa mga bata.