12/06/2026
Ang buong pamunuan, mga g**o, at mag-aaral ng aming paaralan ay taos-pusong nagpapasalamat sa LGU Pio Duran, sa pangunguna ni Mayor Vangie Arandia, sa kanilang ipinagkaloob na pintura na malaking tulong sa pagpapaganda at pagpapanatili ng kaayusan ng aming paaralan.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa TUPAD members na naglaan ng kanilang oras, pagod, at kasipagan sa pagpipinta ng aming mga pasilidad. Ang inyong serbisyo at malasakit ay tunay na nakatulong upang maging mas maayos, malinis, at kaaya-aya ang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Ang inyong kabutihan at suporta ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, mas marami tayong magagawa para sa ikabubuti ng edukasyon at ng ating komunidad.
Maraming salamat po, LGU Pio Duran at sa lahat ng TUPAD members! π
Sama-sama para sa mas ligtas, mas maganda, at mas handang paaralan para sa ating mga mag-aaral.