21/08/2026
Cogon ES Pinagdiwang ang Buwan ng Wika 2026
Sa isang makulay na pagdiriwang ng wika, kultura, at makabagong teknolohiya, matagumpay na isinagawa ang Culmination Program para sa Buwan ng Wika 2026 sa Cogon Elementary School
Bitbit ang temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon", naging sentro ng buong araw na programa ang pagpapahalaga sa Wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng pagkatuto at pananaliksik sa panahon ng Artificial Intelligence.
Naging makabuluhan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng iba't ibang pagtatanghal tulad ng interpretatibong pagsayaw, talumpati, pagbigkas ng tula, poster making, at ang pinakaaabangang Parada ng Kasuotang Filipino.
Mga Natatanging Nagwagi:
Parada ng Pambansang Kasuotan
Kategoryang Panlalaki
π₯ Unang Gantimpala: Calvin Craige Alapag - Ika-2 Baitang
π₯ Ikalawang Gantimpala: Joseph Klayberne Telen - Ika-3 Baitang
π₯ Ikatlong Gantimpala: Edward Quel Olivares - Ika-2 Baitang
Kategoryang Pambabae
π₯ Unang Gantimpala: Althea Venz Cortes - Ika-4 na Baitang
π₯ Ikalawang Gantimpala: Mary Brielle Tingson - Ika-2 Baitang
π₯ Ikatlong Gantimpala: Zushie Thea Jyne Legista - Ika-4 na Baitang
Poster-Making Contest
π₯ Unang Gantimpala: Joseph Klayberne Telen
π₯ Ikalawang Gantimpala: Vincent Gebriel Baldon
π₯ Ikatlong Gantimpala: Kael John Liagoso
π
Ikaapat na Gantimpala: Dan Amiel Eliel Roche
Ang parada ay dinaluhan ng mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Ikaanim na Baitang na buong giting na nagsuot ng barong, Filipiniana, at iba pang pambansang kasuotan.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mag-aaral, g**o, bisita,at mga magulang sa aktibong pakikiisa at suporta upang maging matagumpay ang programang ito.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Cogon Elementary School!