05/01/2026
Ang January Convocation Program, na may temang "Self-Reliance," at subtemang "Pagpapaunlad sa Sariling Kakayahan, Tungo sa Maunlad na Kinabukasan," ay matagumpay na natapos sa pagsisimula ng bagong taon.
Sa pamamagitan ng mga makahulugang mensahe at gawain, binigyang-diin na ang patuloy na pag-unlad ng kaalaman, kasanayan, at wastong pagpapahalaga ay mahalaga upang maging handa sa mga hamon sa panahon ng makabagong pag-unlad. Ang convocation program ay nagsilbing paalala na ang isang maunlad na kinabukasan ay nangangailangan ng disiplinadong sarili, matatag na paniniwala, at aktibong pakikilahok sa pag-unlad ng komunidad.
Ito ay magiging inspirasyon para sa lahat na magsikap, maniwala sa sarili, at gamitin ang mga natutunan upang maabot ang mga mithiin at pangarap sa buhay.
-Reliance