04/07/2026
TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA SANGGUNIANG KABATAAN NG RANZO
Lubos na nagpapasalamat ang Ranzo Elementary School sa Sangguniang Kabataan ng Ranzo, sa pangunguna ni Hon. Hazel Sapallo, sa kanilang makabuluhang programa ng pamamahagi ng libreng school supplies para sa ating mga mag-aaral.
Ang inyong suporta ay malaking tulong sa paghahanda ng ating mga mag-aaral para sa panibagong taong panuruan. Higit pa rito, ang inyong inisyatiba ay nagpapakita ng tunay na malasakit sa kapakanan ng kabataan at ng edukasyon sa ating komunidad.
Ang ganitong uri ng pagtutulungan ng paaralan at ng mga lokal na pinuno ay nagpapatibay sa ating iisang layunin na matiyak ang de-kalidad na edukasyon at mas magandang kinabukasan para sa bawat mag-aaral.
Maraming salamat at mabuhay ang Sangguniang Kabataan ng Ranzo!